Wanna find something? Type in.

Saturday, November 5, 2011

Suddenly...

Magpapasukan na ulit for 2nd sem. I can't wait dahil nauubusan na talaga ako ng gagawin for this one-month sem break.

Eighteen na 'ko, anliiit ko pa rin. Can't believe. Tumanda ako na parang bata pa rin. Hay buhay, ambilis mong dumaan. Pero siguro ganon talaga if you enjoy living life.

Wala lang akong ma-post. Bangag na 'ko. This sem break ang ginagawa ko lang manood ng movies, magbasa ng Pinoy books, makinig sa music. I can't even go out! Tag-hirap.

Gusto ko nang pumasok. Nararamdaman ko kasing bumobobo na 'ko. Yung feeling na parang lahat ng pinag-aralan mo last sem, wala na? Ayun. Ulyanin pa 'ko, masaya 'to.

Suddenly, nagbabago ang mga bagay. Dati masaya 'ko, ngayon tinatamad na 'ko. Yung pakiramdam na worn out na yung happiness. Pwede ba yun? O sa mundo ko lang yun nag-eexist?