Binuksan ko ang shower at hinintay na mabalutan ng tubig ang katawan ko. Pucha parang si Agua lang. Nag-shampoo ako. Nagsabon. Nagbanlaw. Naghugas ng mukha. Nagbanlaw. Nagsabon ulit ng katawan. Nagbanlaw. At tsaka ko naisip shit, kaya pala nagkakaroon ng shortage sa tubig. Naisip ko na hindi lang naman ako ang gumagawa nito, mas marami pa ngang tao ang nagpupuno ng bath tub at swimming pool nila araw-araw. Pero hindi talaga ito ang gustong iparating ng entry ko. Sinabi ko lang dahil wala akong masabi. Ano daw?
Kinuha ko ang isa kong tuwalya, nagpunas ng kapuranggit kong buhok at binalot ito. Kinuha ko pa ang isa kong tuwalya, nagpunas ng katawan at nagbalot. Pagkatapos ay binuksan ko ang namumulaklak naming shower curtain at napa-PUNYETA! May butiking nahulog sa harap ko! Tinitigan ko ito nang panandalian habang siya’y gumapang papalayo. Napansin ko na wala siyang buntot pero patuloy itong gumagapang.
Ngayon nasa sala ako. Nanonood kami ng Legion. Wala na kaming ginawa kundi manood ng mga movie na mahirap intindihan kung walang subtitle. Simula paglabas ko ng banyo, iniisip ko kung bakit sa dinami-rami ng pagkakataon ay kailangang kanina ko pa makita yung putragis na butiking walang buntot na gumulat sa kaluluwa ko. At naisip ko na parang sa buhay lang ng tao… Maputol man ang isang bahagi ng iyong sarili, magpapatuloy at magpapatuloy ka pa rin. Hindi mo dapat hayaang maging hadlang ito. Dahil sa pagdating ng panahon, tutubo rin ang isang bahaging iyon na naputol ng pagkakataon.
Katulad ng buntot ng butiking gumulat sa kaluluwa ko.
**********
At ngayon nanonood pa rin ako ng Legion. Isang pelikulang ang pinaka-punto ay pag-asa. Pag-asa sa gitna ng kadiliman. Pag-asa kahit alam mong parang wala na. Lalaban ka kahit parang wala namang pupuntahan. Dahil hindi natin alam kung ano ang pwedeng ibigay ng pagkakataon. Basta tutuloy ka pa rin kahit may kulang na mga parte. Parang yung punyetang butiki na hindi huminto at gumapang pa rin.
(Kakatapos lang ng Legion)
Nakaka-inspire naman. Pwede ka nang maging writer. :D
ReplyDeletePS: Buti hindi sa mukha mo nahulog ung butiki :))
Haha! Sevb! Pag sa harap ko nahulog yun, ang iisipin ko lang sa butiki, "mamatay ka na sheet!!!" YUn lang. Bow. :D Salamat sa pagbasa, Sevb! :)
ReplyDelete