Wanna find something? Type in.

Sunday, June 5, 2011

Debut ni Buddy.


PART 1: Ang Paghahanda.

Nabanggit ko ba na pinag-praktisan ko talaga ang pagmake-up? Hindi talaga ako magaling at hindi ako babaeng-babae kaya wala akong natural talent sa pagpapaganda.Itong kapatid kong magaling, napakagaling. Lahat ng subok kong make-up may pintas. Siya na magaling, siya na ekspert. Wala akong sama ng loob, sama ng labas meron. Biro yun, sana napansin niyo.

Noong hayskul pa lamang ako, kilala na 'ko bilang ang babaeng "isang oras na late sa lahat ng usapan". Kung ang usapan ay 3pm, darating ako ng 4pm. Ngunit dahil ako'y nasa kolehiyo na, napagpasyahan kong magbagong buhay at iwanan ang bisyong pagdating ng late. Napansin ko namang nagbabago na 'ko at gusto kong mapansin din yun ng highschool friends ko, kaya nung mapag-usapang 3:30pm magkikita-kita sa SM Taytay, 3:00pm nandun na 'ko. Aw yee.

Kaso tila hindi ito gusto ng pagkakataon. Sira pala ang relo namin dito sa bahay. Naglalakad na 'ko palabas ng subdivision namin sa kalkulado kong oras ng pag-alis nang biglang nagtext si Bea.

Bea: Hi, Labs! Nandito na kami ni Ranah sa SM, nasan ka na?

Nagulat ako at biglang napatingin sa oras ng phone ko. PUTRAGIS 3:27PM NA!!!

Riz: OHMYGOSH, LABS! Imsosorry, sira pala yung relo namin sa bahay. Pasakay na 'ko pramis.

Yamot. Buong akala ko pa naman magtatagumpay ako sa misyon ko...

Nagkita na kami sa SM. Tangina na-miss ko sila. Akala ko sa sarili ko ayaw ko nang makita highschool friends ko sa dahilang malabo rin para sa'kin, at ngayon alam kong nagkamali ako. Ang bungad ko sa kanila, "Ang tangkad niyo!" Totoo naman talaga, para akong nakababatang kapatid ni Bea at Ranah.

Nag-blue cab kami papuntang bayan, sa bahay nila Arleli. Alam kong hindi niyo sila kilala kaya naman ipapakilala ko na lang sila sa pamamagitan ng pagsambit ng kanilang mga pangalan.

Naalala ko nun nung magkikita kami ni Joyce (si Buddy na magde-debut) para ibigay yung invitation ko, ang sabi niya magkita na lang daw kami sa SM tas magbblue cab na lang daw sila papuntang bayan. Hindi ko masyadong get yung blue cab nun. Akala ko nga kakompitensya ng Yellow Cab yun eh, yun pala yun yung sinasakyan papuntang bayan.

Pagkatapos ng ilang minuting biyahe at pagkkwentuhan tungkol sa bagong buhay ng pagiging isang kolehiyo, nakarating na rin kami kila Arleli. Ito ang unang beses na nakapunta ako sa kanilang bahay, kaya naman talagang nakakahiya. Oo, may hiya pa naman ako kahit papano.

Na-realize ko na minahal ako ng sobra ng mga tao nung hayskul pa 'ko. Kahit ibang level kilala ako. Yung mga dati kong naging kaklase, totoong kaibigan ang turing sa'kin. Gumagawa sila lagi ng effort para magkita kami. Masaya sila tuwing nakikita ako. Ate ang turing sa akin ng mga nasa lower level. Kapatid at anak ang turing sa'kin ng mga nasa higher level.

Lahat ito, ngayon ko lang napagnilayan ng husto. Lahat ito, hindi ko masyadong napahalagahan noon. Wala kasi akong pakialam sa mundo nang mga araw na yun. Ang alam ko lang mahal ko rin naman sila ngunit hindi ko alam kung paano ko ipinapakita. Hindi ko alam kung para sa kanila nabibigyan ko ng halaga ang lahat ng ginagawa nila. Wala akong pakialam kung sikat ako o hindi sa ibang batch, naisip ko kasi na hindi ko rin naman sila maaalalang lahat kaya sayang ang effort ng pagtanda ng kanilang mga pangalan. Hindi ko na rin masyadong naiisip ang kagustuhan ng mga kaibigan kong makipagkita sakin nang kami'y maging college student na. Naisip ko kasing marami pa 'kong dapat gawin at asikasuhin kesa sa pakikipag-kwentuhan lamang.

At iyon na marahil ang isa sa mga pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay  ko noon: Ang hindi pahalagahan ng sapat ang mga taong sobra-sobra ang pahahalaga sa akin.

Naisip ko 'to dahil sa mga kasama ko nitong debut. Lahat sila kaibigan ko pero kulang ang alam ko sa kanila. Wala akong maalala sa mga naranasan namin kasma ang isa't-isa...

Pero siguro swak na ang drama, alas-kwatro na at hindi pa kami nakakapag-ayos. Simulan na ang giyera ng mukha.

Halos dalawang oras din kaming nag-ayos. Bahala na si Batman sa mga itsura namin dahil napag-alaman namin na ni isa sa amin ay walang alam sa make-up. Aw yee. Buti na lang, akala ko ako lang.

6pm ang simula ng party at 6:30 kami naka-alis ng bahay nila Arleli. Isang oras ang biyahe---patay, late na naman. Nabanggit nga pala ni Arleli na yung damit kong suot ay dapat na bibilhin nila. Ay putik buti na lang  hindi. Sa puti at ganda ng kutis nun siguradong iisipin na display lang ako. Tanginang mukha 'to. Hahaha. Okay lang, mas matangkad naman ako sa kanya. Aw yee!

Pagdating namin sa event location, aba pucha, sosyalan. May magbubukas ng pinto ng sasakyan at ieescort ka pa sa loob. At buti kamo second floor lang, wala kasing elevator sa first floor eh.

Pagdating namin sa function room, nandun ang isa pa naming kaklase nung 3rd year kami, si Mhoi. Monique ang totoo niyang pangalan, Moi ang tawag sa kanya ng nakararaming tamad sa mundo. Ngunit dahil jejemon ako, "Mhoi" ang ispeling ko ng pangalan niya. Dito kami nagkakasundo, ako lang daw ang nag-iisang ganon ang spelling ng pangalan niya. Kaya naman, "Rhiz" ang iginanti niya sa'kin.

Hindi siya nakangiti... Akala ko pa naman warm welcome ang handog niya sa'min. Parang hindi niya kami kilala... ambilis naman atang makalimot?

No comments:

Post a Comment