(c) An original of Allen Manza, all contents belonged to him.
Asan na ba kasi yun? Putragis. Badtrip.
Isipin nyo nga, bakit kung kelan natin kelangan ang isang bagay, saka naman mawawala?
Isipin nyo, bakit kung kelan napamahal na tayo sa iba’t ibang tao, saka naman tayo mahihiwalay sa kanila. Isipin nyo lang wag nyong dibdibin, baka mahulog kayo sa imburnal.
Ambilis ng panahon, dati maliit pa ko pero ngayon maliit pa rin. Shit.
Naalala ko pa, first day ng klase. Pumasok ako sa room. Tapos umupo.
First seatmate ko, si Rhyme. Nasa kanan ko siya. Ang weird ng mukha. Syempre getting to know each other. Tapos kinuha nya number ko, napaisip ako bigla, ibibigay ko ba? Pano kung modus lang to sa Manila? Pano kung bakla pala to, edi texttext kami. Bahala na.
Katabi ni Rhyme, si Sevb. Pogi. Pwede na. Haha
Katabi ko sa kaliwa, upuan. Katabi nung upuan, si Shaela. Late siya pumasok nun, sabi ko sa isip ko, kawawang nilalang, late na nga, ung pwesto pa nya, nasisikatan ng araw, parang bigla nalang may hihila sa kanya pababa, papuntang ibang dimensyon.
Nagpakilala na. Wala akong masyadong matandaan, maliban kay Jeph. Pinagyabang ung tshirt nya, kulay pink o, saka ung pangalan daw nya Jephertson. May T. Nung mga oras na un, gusto ko sanang sabihin sa kanya, sa presinto ka magpaliwanag wag dito. Joke.
Inarrange na alphabetical. Katabi ko si Carmen. Tss, ang ganda, sigurado ako mayaman ‘to. Feeling ko ienglishin ako nito anytime. Kelangan ko maghanda. Hindi ako nagkamali, inenglish ako, ano daw pangalan ko? Gusto ko sana isagot sa kanya nun “Insert British Accent Here: ‘Ehem, mah neym?. Hm. I’m Bahnd. James Bahnd.” Pero dahil sa takot na mapahiya, sinabi ko nalang ung totoo. Allen Manza, Di lang pampamilya pang isports pa. Si Carmen Batumbakal daw siya.
Wala na kong maalala.
Nagpalit ulit ng upuan, katabi ko naman si Riz. Shet. Ang ganda, mala anghel ang pagmumukha, gusto ko nga sana bigyan ng timba kasi umaapaw na ung kagandahan, e kaso ayun. Kikay ‘to panigurado. Parang miyembro ng power ranger. Nung 1st time ko siya nakatabi medyo natakot ako, feeling ko bigla nalang may susulpot na halimaw, sabay sisigaw si Riz ng “PINK PAYBAH!” BYE.
Nasa harap ko si Annabel, katabi nya si JepherTson, sa likod ko si Ruby, katabi nya si Clara. Wala sinasabi ko lang.
Ay nagkaron din pala ng group something nun. Sa English RARAble. Oyea. Sa Filipino, documates, Shiaela, Rhyme. Saka si Imman? Lol. Etc. La na ulit ako maalala. Sarreh.
Move on na sa 2nd sem.
First day ng klase. Delubyo agad. Documentary. Punyeta.
Sabi ko sa sarili ko nun, ay madali lang ‘to. Siguradong hindi kami pagpapawisan dito. Tama ako, hindi kami pinagpawisan, dinugo kami. Shit nakakamiss. Pramis.
Marlah at NJ. Naalala nyo pa ung pinuntahan natin si Hapi Joey, ung napahaba ng nilakad natin, narating natin ang pinakamalayong Mcdo. Ung sapatos ko, naubos, kita na ung kaluluwa.
Ley. Dahil sa’yo nakilala ko si Prince Mackaroo. Pota benta talaga ung mukha. Haha. Salamat sa lahat, sa mga kasiyahan inihatid mo di lamang sakin kundi sa buong A7. Drama potek. Napakatalino mong bata ka, siguradong malayo ang mararating mo.
Clarisse. Ang babaeng walang pahinga, di ko alam kung uso ba sayo ung tulog. Ano bang sasabihin ko? Wala akong masabi. Haha. Hanga ako sa’yo. “Insert my poker face here”
Ahm ano pa ba sasabihin ko? Yung group nalang ulit.
Cheatmates! Salamat sa lahat ng biyayang ipinagkaloob nyo sakin.
KonspetongPapelMate! Sandy. Salamat sa paggawa ng KP natin. Walang anuman Allen.
Debatemates! Woo. Mga halimaw kayo, antaray lang. April, Annabel, Ruby at Natz.
Conrado! Addie at Karmina, salamat sa pagbubuhat samin ni Jeph.
Volleyballmates! Team 2! Lupet nyo, syempre dahil sa leader natin at sa ating pagkakaisa!
TruthoorDaremates! Haha. Kung sino man kayo, kayo yun!
DotaL4Dmates. Mga hayup kayo! Haha.
Paderns, kung asan ka man ngayon sana masaya ka dyan. Salamat.
Jephertson, ingay mo! Haha. Ambigat.
Raniel. Halimaw ka potek. Paturo naman ng mga da moves dyan o. Please.
Gian. Madami ka lang alam pero mas malakas pa rin ako. Haha
Earl. Ay sows! Pati kakampi tinatrashtalk. Pero sa totoo lang ang saya mo nung swimming. Haha
Gab. Kapit lagi sa malakas! Haha. Biro lang, mahal na pangulo , salamat sa pagtitiis sa ugali namin. Pasensya sa aming kapangahasan. Isa kang dakilang nilalang.
Ano pa ba? Wala na ko maisip. Ung farewell message ko na. Aay.