![]() |
(c) Credits to the owner |
John Bernard Ilagan, died of lymphoma cancer on March 30, 2011 at exactly 11:11pm.
Hindi man lang tayo naging close bago ka umalis. Ni hindi man lang ako nakapag-share sayo, at ikaw sa'kin. Tangina lang. Naiinis ako sa sarili ko. Kung kinain ko lang sana pride ko nung una palang eh di sana kahit papano may mai-t-treasure ako ngayon. Naiinis ako kasi bakit pakiramdam ko sa lahat ng mga kaklase natin isa ako sa mga walang nagawa. Hindi ko alam anong emosyon 'to... hindi ko alam ang gulo. Punyeta naisip ko lang, may karapatan nga ba 'kong magdrama? Eh baka nga di mo na 'ko kilala eh.
Sana meron, JB. Kahit di ako katulad ni Jennica na close na close na sa'yo. Kahit di ako katulad ng mga guy friends mo... sana may karapatan pa rin akong mag-emote. Emo na with bangs and eyeliner. Pero seryoso talaga 'ko. Tindi mo pre. Nagsilabasan na mga nahumaling sa'yo. Alam kong wapakels ka lang. Ganyan ka eh. Haha. Kahit ilang libo pa ata nagkakagusto sa'yo deadma lang. Galing mo pre. Pero naaalala ko rin, one time, tuwa ka with ngiti abot-langit sabay pagmamalaki mo sa gwapo mong mukha. Alam mo, meron din ako nyan. Sayang hindi mo nakita nang maayos... Meron din talaga 'ko nang ganyang pagmumukha, lamang ka lang ng isang paligo.
![]() |
(c) Photo credits to Mia Morales This was my last shot and visit to JB. (From left to right: Vince, Mia, Me, JB, Jennica, Sean) |
Hoy JB. Tandaan mo 'to ah. Kahit hindi tayo madalas naguusap, gusto ko lang sabihin sa'yo (kahit parang huli na) na salamat at dumating ka sa buhay namin. Simpleng angas ka rin eh. Tahimik pero intensity 9 kung maka-buwelo. Matinik kahit di nagsasalita. Mukhang mature, isip bata pala. Haha. Joke lang, peace tayo. Pasensya na rin kasi hindi man lang tayo naging tight. Nakaka-guilty kaya! Nakakainis. Dati kasi gusto kita laging kausapin, naku-curious ako sa personality mo eh, kaso nakakahiya lang talaga. Diba kung sana ininda ko na yung ganong pakiramdam, malinis sana konsensya ko at hindi ko na kailangang magpaliwanag sa presinto.
Pero siguro ganon talaga. Lahat naman tayo dadaan dyan, excited ka lang talaga siguro. Haha. Biro ulit. Kung sana mababasa mo 'to noh? Sana... Ang nice
siguro kung magpapakita ka sa panaginip ko. Marami akong gustong sabihin sa'yo, madaldal ako eh. Kahit sino pagku-kwentuhan natin. Wag ka lang magpakita sa personal. Hindi naman sa takot ako noh, baka lang ma-starstruck ako ng di oras at sundan agad kita. Haha. Joke lang JB wag ka magalit.
siguro kung magpapakita ka sa panaginip ko. Marami akong gustong sabihin sa'yo, madaldal ako eh. Kahit sino pagku-kwentuhan natin. Wag ka lang magpakita sa personal. Hindi naman sa takot ako noh, baka lang ma-starstruck ako ng di oras at sundan agad kita. Haha. Joke lang JB wag ka magalit.
Pssst. Oy! Ikaw. Oo ikaw. Ang galing mo pa nga, at sana alam mo yun. Simple. Matalino. Mabait. Gwapo! Parang lahat na sa'yo na ata. Ikaw na. Ikaw na talaga. Please, wag mong kalimutan ha? MAHAL NA MAHAL KA NAMIN. Marami pa 'kong gustong sabihin kaso hahanap muna ako ng paraan para isummarize yun. Mahal ka namin JB. We'll be there, too, but not too soon. :)
(R) In memory of our dear friend, John Bernard Ilagan, who passed away this midnight. We love you so much, at hindi kami magsasawang ipaulit-ulit yun. Wag makakalimot, mahal ka namin. Alam naming masaya ka with Him. :)
No comments:
Post a Comment