Wanna find something? Type in.

Wednesday, April 6, 2011

Paulit-ulit. Nakakasawa.

Lol the title, I can die now.

I got tired of continuing that story... I mean, those stories.

Boredom strikes.
Procrastination bites.
Annoyance hits.
Insecurity shits.

BGM: Rocketeer.
Makakabisado rin kita. Pati rap mo. Pramis, kahit ikamatay mo pa yun.

Sagutin niyo yung tanong sa next story ko. Kumbinsihin niyo 'ko. Dahil kung hindi... eh di hindi. Kapag walang binatbat sagot niyo, tapon niyo na. Lalo lang akong maiinis.

BGM: ET
Katy Perry, anong nangyayari sa'yo? Following the footsteps of Lady Gaga, eh? The world is getting freakier.

**********

          Hindi ko alam kung hanggang saan pasensya ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit nagttype ako ng ganito ngayon eh. Walang kwenta 'to, bitin niyo na 'ko patiwarik. Samahan niyo pa ng sako. Pero joke lang, una muna kayo tas susunod.... siya! Siya at hindi ako!

Hindi ko alam ba't madali akong magsawa.
          Maraming bagay na rin ang pinagsasawaan ko: laruan, pagkain, damit... Natatandaan ko nun favorite ko yung Dinuguan. Araw-araw nagpapabili ako kay Mama nun. Nonstop. 2 weeks ko atang kinakain yun; umaga hanggang gabi. Walang sawa. As in. Tapos isang araw hindi ako nagpabili kay Mama, bumili pa rin siya. Nung umupo ako para kumain, naka-isang subo lang ako. Naumay na 'ko. Tignan ko pa lang yung ulam ayoko na... Sawa na eh. Nalaman ko na kahit gaano mo pala kagusto ang isang bagay, magsasawa ka rin pag paulit-ulit na.

          Hindi lang bagay pinagsasawaan ko... pati tao. Maniwala man kayo o hindi (pero kung ako sa inyo maniniwala na 'ko) pinagsasawaan ko ang mga ilang tao sa buhay ko. Naalala ko yung kaibigan ng ex ko. Gusto ko, gusto ako. Okay. MU. Tapos nagsawa ako kasi bigla kong na-realize na sa una lang pala yung kilig at kalaunan ay corny na.

           Isa pa, yung kaklase ko nung fourth year. Nagbigayan pa kami ng karapatang magselos, at ilan pang karapatan sa ibang bagay na dapat ay ginagawa lang ng mag-syota... pero wala rin. Todo banatan pa kami ng mga cheesy lines nun as in yung cheesy talaga muntik na 'kong dagain sa sobrang keso. Nung una ang sweet putik sarap mamatay, heaven ang feeling. Kalaunan nagsawa na rin ako. Puro selos, puro explanation. May makatext lang na iba, mararamdaman mong ayaw niya. Ikaw naman 'tong si tanga. Kahit kaibigan mo lang, susunod ka pa rin sa gusto niyang wag mo na itext. Kontrolin daw ba buhay mo? Tangna ano ka syota ko? Ni nanay ko nga di ako kinokontrol. Ikaw pa? Gago.

          Tapos ayun. Para san nga ba 'tong post na 'to? Ngayon ko lang naisip. Sabi ko maikli lang dapat, pangbawi sana sa dapat na ipopost ko kaso hindi ko pa tapos eh. O basta bahala na kung saan madala ng usapan.

Nasan na kasi? Kahit ano, bahala na.
          Banatan. Puro kami banatan ng korning cheesy lines. Baka pag nalaman niyo kung ano mga pinagsasabi namin, isuka niyo kalamnan niyo. Punyeta pag naaalala ko, nananaas balahibo ko. Corny. Swear. Kaya ngayon natuto na 'ko. Ayoko nang may bumabanat sakin. Hindi sa naaalala ko siya... Ayoko lang magsawa. Wala nga siyang balak ihinto, pero ako meron. Basta. Sawang-sawa na 'ko. Yun ang problema ko.

          Madalas ko pang sinasabi sa kanya na walang sukuan. Hanggang dulo na 'to. Di ako susuko hangga't kaya ko. Sweet ko noh? Una lang pala yun. Nagsawa din ako kaya sumuko na 'ko. Katamad eh. Ano pa ba?

          Ayoko rin ng demanding. Tangna ganon siya eh. (Feeling ko buburahin ko 'tong post na 'to sa future. Baka may makabasa na kakilala niya at pag nalaman niya --- patay. Patay siya, hindi ako. Haha. Kdot.) Ulit nga.

          Ayoko ng demanding... gusto ganito, gusto ganyan --- ewan! "Gusto ko lang naman ng Mcdo fries eh." Hay nako, kung ganyan lang sana kadali lahat, laklakin ko pa fries mo. Kaso hindi. Ayoko nang may nagdedemand ng panahon at oras ko. Ayokong istorbo sa lahat ng plano ko. Sorry. Pero kung di niya masikmura, bye. Naaalala ko nun, kaya nawala lahat dahil nakaamoy ako ng pagdedemand. "Muntik na 'kong manakawan ng cellphone blah blah blah pero okay lang, di ka naman nagtetext eh..." Tangna mo, pakyu. Wala kong pake. At dahil dun sa message na yun, nawala ang lahat. Hahaha. Galing noh? Parang lahat ng naipon kong inis sumabog bigla. Lahat ng pagtitimpi ko, naibuhos ko sa isang iglap. Ayos bui. Lahat na ng ayoko, nasabi ko sa kanya. Lahat na. Except sa katotohanang nagsasawa na rin ako.

            Marami akong ayaw noon na nakita ko sa kanya. Ayoko ng pabata. Ayoko ng hindi matapang (tragis, lalaki ka. Kailangan ba ako pa mag-comfort sayo? Pucha, maghanap ka ng nanay mo.) Ayoko na pati mga kaibigan ko nilalayo sakin. Ayokong hindi niya close kaibigan ko. Ayoko sa kanya. Ayoko sa kanya. Ayoko sa kanya. Ayoko sa pagiging bitter niya. Ayoko nung sinabi niyang naghalikan sila --- tangna tinatanong? Anong gusto mong sabihin ko, ba't mo pa kinwento? Pero sapat lang din, para alam ako. Labo. Ayoko nang korni. Ayoko ng tahimik pag kaming dalawa lang --- ano 'to kapaan kung sino magsasalita? Titigan na lang, ano? Magisip ka ng mapaglilibangan. Kasi ayokong magisip, tinatamad ako. Ayoko ng pilit magisip sa topic --- plastikan? Ayoko nang cheesy!!! Ayoko ng mga punyetang banatan na yan! Naiinis ako. Nasusuya. Umay na umay na. Tangna pakamatay ka na.

          Sarili ko na ata ang pinakamagulong taong nakilala ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Pwedeng pahalagahan kita ngayon, bukas hindi na. Ngayon mahal kita, bukas iba na. Ngayon mabait ako, mamaya wala na 'ko sa mood.

          Minsan hindi ko na rin maintindihan sarili ko. Marami akong ayaw. Marami akong gusto. Napapansin ko na parang umuulit ang mga bagay sa buhay ko kaya ginagawa ko yung makakaya ko para mabago yun. Alam ko kasi na nung sa una may mali ako. Kaya pag naulit, susubukan kong pihitin paibang direksyon.

Kaya kung dati puro banat, tangna, ngayon ayoko na! Bwiset. Naiinis talaga ko. Shit.

          Kung dati nasisikmura ko kahit papaano ang mga demand, ngayon... Pakyu. Manigas ka. Maghintay ka ng kakain sa mga demand mo.

          Kung dati may karapatan magselos... ayoko na rin. Susubukan kong hindi maawa. Haha. Shit. Mahirap yun. Pero ayoko talaga nun. Kaya nga pumayag sa MU kasi alam kong malaya pa rin ako eh. Hindi ako handang magpatali sa isang relasyon lalo na kung ire-restrikta rin lang ang mga galaw ko. Ayoko ng boyfriend lalo na't marami pa 'kong bigas na dapat kainin. Marami pa 'kong mga bagay na dapat matutunan. Ayoko ng boyfriend na gusto ganito, gusto ganyan at hindi makukuntento sa Mcdo fries.

          Kung dati ako ang umaalalay, ngayon ako alalayan mo. Wag ka sa'kin maghanap ng lakas. Lalaki ka, dapat sayo manggaling yun. Ayoko ng mahina, kasi ako mahina na.

Kung dati pabata. Pakamatay ka na talaga. Maghanap ka ng nanay mo.

          Kung dati sinasabi ko pag MU na, ngayon hindi na. Magkapaan tayo punyeta. Diba pag-MU walang keme-keme? Eh pag dinikta mong "MU na tayo", nagkakaroon pa rin ng expectation eh. Tragis na buhay 'to. Isa lang solusyon ko dun. Walang ganon! Kaibigan lang. Dapat alam niyo na yun. 

         Kung dati pumapayag akong hawakan niya kamay ko, ngayon depende. Pag awkward ayoko. Pag hindi... depende talaga. Corny eh.

            Kung dati sweet ako, ngayon hinay-hinay. Nauubos eh. Nakakasawa. Yan ang sakit ko. Sweet sa una, mapagpasensya sa una, lahat iniintindi, lahat pinapayagan... hanggang sa maipon 'to sa'kin at huli na bago ko ma-realize na mali. Mali ang sobrang tamis, nakakaumay. Mali ang laging umiintindi kahit hindi mo na maintindihan dahil nakakalimutan mo ang sarili mo. Nakakalimutan mo na may sarili kang pananaw. Hindi mo napapansin pero nakukulong mo na ang sarili mo sa pagkatao niya. Hindi mo namamalayan na naiipon ang lahat ng ayaw mo sa'yo... at hindi mo alam kung gaano kasama ang pwedeng maidulot nito.

          Kung dati masyado 'kong mabait, ngayon medyo na lang. Baka nga hindi pa eh. Ugali kong 'to? Layo sa pagkakakilala ko sa sarili ko dati.

          Kung dati pag naiinis ako sa kanya, mali ko ang iniisip ko at side nya ang kinokonsidera ko... ngayon manigas kayo. Hindi na! Debate kung debate. Magtalo kung magtatalo. Iiyak ako kung gusto ko. Hindi kita papansinin kung ayaw kong mamansin. Badtrip kung badtrip; walang excuse, walang bias. Maghanda ka na pag nawala ako sa tamang trip. Di mo magugustuhan. 

          Kung dati inaaraw-araw ko ang dinuguan... ngayon hindi na. Natutunan kong mag-iba paminsan. Mag-eksperimento. Naisip ko na minsan lang ang buhay... kung gagawin mo ang isang bagay nang paulit-ulit, hindi ka matututo. Hindi ka makakapagsimula ng bago. Mababaon ka sa mga paulit-ulit na pangyayari. Hindi ka magbabago para sa ikabubuti mo.

          Kung hahayaan mong ideya lagi ng iba ang pinapasok mo sa utak mo, ibigay mo na lang utak mo sa'kin. Marami nang mga inutil sa mundo, wag ka nang dumagdag.

          Minsan lang ang buhay. Minsan lang ang pagkakataon. Kung alam mong mali, gawin mo ang tama. Kung di mo alam kung ano ang tama... wag mo na lang gawin yung mali, pwede na yun. Mahal ang oras, di mo na 'to matutubos pabalik. Kung hindi mo pag-aaralan ang mga bagay-bagay, ikaw lagi ang magugulangan.

          Mahirap magkamali, pero minsan nagiging tama ang mali mo sapagkat natututo ka. Mahirap magkamali lalo na't alam mong meron ka sanang magagawa pero hindi ka natuto sa mga nauna mo nang mali.

          Ang isang pagkakamali, minsan nauulit. At kung di ka matututo, mauulit pa yan. At mauulit nang mauulit hanggang paulit-ulit na lang lahat. Nakakasawa noh? Sabi sayo eh.


(R) Sabi ko hindi ako magpopost ng mga ganito dito eh. Sabi ko dapat mga pinagiisipan ang posts! Wala, nasira na naman plano ko. Edited as of Wednesday, April 6, 2011 at 4:07pm.

4 comments:

  1. I actually feel you dun sa nagsasawa sa tao part. Nagsawa narin kasi ako e. :)) Yung biglaan mo na lang maffeel na wala na yung feelings kasi nagsawa ka na pala. And napunta na sa iba. Ayun. I just totally agree =))

    ReplyDelete
  2. Wooo! I found karamay, yeah. \m/ We're awesome, Bebs. =))

    ReplyDelete
  3. Ok lang mag-post ng mga ganito, blog mo naman 'to eh, kung ano ung maisip mo, go lang. Kaya nga may blog para mailabas mo mga thoughts at feelings mo haha. Baka mabaliw ka niyan pag di mo nilabas. :D

    PS: Sarap ng dinuguan, apir tayo diyan! :D

    ReplyDelete
  4. Wuuuh! So great, Sevb. Tama. Ayoko pa mabaliw. Haha. Gawa ka na riiin. Haha! APIR. \:D/

    ReplyDelete