Sa elevator nagtutulukan. Sa LRT, hagdan, banyo at kalye meron na ring tulakan. Nagtutulukan pag masikip... nagtutulukan pag trip lang. Sa sobrang sikip ng Pilipinas kulang na lang ay magtulakan na ang lahat ng tao para lang makausad. Halos lahat na ata ng lugar dito pinamumugaran na ng mga peste.
Napansin kong hindi lang sa mga lugar nagtutulakan kundi pati na rin sa ibang mga bagay. Kapag alam mong mapapahamak ka, itutulak mo ang kasabwat mo para siya na lang ang madawit. Kapag mapapahiya kayo, aatras ka sabay tulak sa kasama. Pag mahuhulog sa bangin, tulak mo na lang siya kesa ikaw ang mahulog. Hindi pwede ang style ni Jack Dawson na: "You jump, I jump."
Minsan sa pag-ibig nagtutulakan na rin. May mga taong pinagtutulakan ang sarili nila sa taong mahal nila pero hindi sila mahal. May mga taong tinutulak ang kaibigan nila papunta sa taong mahal nito. May mga tao rin namang tinutulak ang mahal nila sa mas mahal nito... O kaya minsan pag hindi mo na maintindihan ang isang tao, magtataka ka at mapapaisip kung bakit yung mahal niya pinagtutulukan niya sa may gusto sa kanya kahit ilang beses na niyang pinapaulit-ulit na ikaw nga. Ikaw nga at ikaw pa. Komplikado.
Pero siguro may mga ganun talaga. Mas pinipili nilang ipagtulakan ang iba sa hindi naman nito gusto... Kalokohan. Katotohanan. Siguro hindi lang niya gustong umasa na siya nga kung nararamdaman niyang parang may mali. Hindi niya gusto na kayo kung alam niyang may ibang nakiki-gusto. Hindi siya komportable kung alam niyang may ibang may gusto sayo. Siguro hindi rin intensyong magdamot... ayaw lang niyang may nasasaktan habang nagpapakasaya siya sa piling mo.
May mga bagay talagang ginagawa natin kahit hindi natin alam ang rason. Minsan, nagagawa natin dahil sa isang mabigat na kadahilanan.
Kung pinagtutulakan ka niya, magpatulak ka... pero bumalik ka rin. Baka ginagawa lang niya yun para malaman kung gaano siya kahalaga para balikan mo.
Wooooooooo! Wag mong itulak. Sapakin mo nang makaramdam. :D
ReplyDelete@#%&* mo. Haha. Joke. Sige, bukas. >:)
ReplyDeleteHoy @#%&* mo rin. Haha. Sige ha, pag yan hindi mo sinapak. Haha
ReplyDeletePaalala mo. Hahaha. Witness the ferocity of the fierce fish. HAHAHA. K.
ReplyDelete