JUDITH: Kasi mahirap. Mahirap magsalita dahil alam kong hindi naman tayo. Hindi tayo pero parang tayo dahil sa mga ginagawa natin. Hindi tayo pero nagdedemand tayo, umaasa ng sobra, nangangako ng walang kasiguraduhan. Walang tayo pero nagseselos ako. Ayokong dikit na dikit ka sa May na yan. Naiinis ako tuwing naririnig ko ang mga kwento mo tungkol sa kanya. Nabubuwisit ako sa mga panahong ako dapat ang kausap mo pero siya ang kaharap mo. Wala ka nang ibang bukambibig kundi si May, si May, si May! Putangina, Gino. Hindi habambuhay kaya kong intindihin ang estado natin at ang pagkakaibigan niyo. (Humahagulgol.)
GINO: (Nabigla.) Judith, si May, kaibigan ko lang siya.
JUDITH: Ayan! Ayan na naman ang maririnig ko. Kaibigan! Kalokohan ‘to, Gino. Pare-parehas tayong nasa loob ng isang kwarto pero kayo lang ba ang magkaibigan? Kahit magkatabi na tayo siya pa rin ang kinakausap mo. Pag kinakausap kita masyado kang busy para marinig ako. Ayoko na.
GINO: Hindi. Hindi mo naiintindihan.
JUDITH: Saang banda ang hindi ko naiintindihan? Sabihin mo nga? Saan ako nagkulang sa pag-intindi? Iniiwasan ko ang mga kaibigan kong lalaki para sayo---
GINO: Pagsalitain mo muna ako.
JUDITH: …
GINO: Walang ‘kami’ ni May.
JUDITH: Alam ko.
GINO: Ako muna, please?
JUDITH: …
GINO: Hindi ko siya gusto. Kaibigan lang ang turing namin sa isa’t-isa. Yun lang yun. Wala na.
JUDITH: …
Ang istorya ay patungkol sa isang relasyong walang kasiguraduhan, sa mga taong hindi alam ang patutunguhan, at mga pagkakataong mauuwi sa KATAHIMIKAN. Alay sa mga mambabasa at mga taong mahilig magselos, ang istorya ay umiikot sa karakter nina Judith, na kahit piliting hindi pansinin ang maling kutob ay walang magawa kundi magpaalila sa nararamdaman at mga nalalaman; at Gino, na malabo ang pagkatao ngunit kahit ganoon ay gumagawa ng paraan para maging malinaw lahat.
Babala: Nagaaksaya ka lang ng oras mo. Katahimikan.
Sundan na to! Wooo.
ReplyDelete