Wanna find something? Type in.

Wednesday, August 24, 2011

Ang salitang "free" ay may bayad na.

Bawat free time sa akala mong bakanteng schedule ay pinagbabayaran mo rin bandang huli. Subukan mong magpakasasa ngayong libre ka, bukas ka biglaang tatambakan ng mga gawain. Minsan nakakainis. Minsan eksayting.

Dinaig pa ng oras ko si Flash, tumatakbo nang hindi ko namamalayan. Parang kelan lang unang taon ko pa lang sa kolehiyo. Ngayon ikalawang taon na pero hindi pa rin ako eksperto sa pagbabadyet ng oras.

Kelan lang eh hanggang 'oo' at 'bahala na' lang ako sa mga bagay-bagay; problema man o importanteng pangyayari. Ngayon, 'bahala na' kung ayaw niyo basta gusto ko. 'Bahala na' kung gusto niyo basta ayoko. Marami akong ayaw. Demanding. Marami akong gusto. Demanding. Minsan nakakainis, minsan eksayting.

May mga pangyayari sa buhay natin na masarap kalimutan, masarap itapon. Pero hindi natin alam, kung ano pa ang inaakala nating walang kwenta ay siya pang magagamit natin sa pang-matagalan. Parang basura lang yan. Mas maraming tinatapon, mas naiipon hanggang magdulot ng perwisyo sa lahat. Mas maraming kinakalimutan, mas tumatambak hanggang magdulot ng bigat sa ating pakiramdam na minsan hindi na natin kayang pangatawanan. Pag ni-recycle, umaayos, bumubuti. Pag inalala, inisipan ng solusyon at ginawan ng paraan, nakakagaan ng pakiramdam.

Alamin mo na lang kung ano ang dapat irecycle at ano ang dapat nang itapon. Minsan lang dumating ang ibang pagkakataon. Aaksayahin mo ba yun sa pamumulot ng mga problemang dati mo pa sana nai-recycle?

Mag-isip.
Makiramdam.
Magsagawa ng aksyon.

Sa bawat free time na winawaldas mo ngayon ay segundo ng buhay mo na nawawala ng hindi mo namamalayan. Ang bawat free time ay pwede mong gamitin pamulot ng mga problemang kinakalimutan mo ng basta-basta. Yung mga problemang tinatakasan mo dahil sa kahinaan ng loob mo.

No comments:

Post a Comment