...Hindi ako mangangako o magbibitiw ng salita.
Hindi na magpapaasa at muling aasa pa.
Pagkat sa'yo ko nakita ang totoong pagkakaibigan,
Eto lang naman ang gusto kong iyo'y malaman:
Pahahalagahan kita gaya pa rin ng dati
Aasarin kung paano inaasar ang kaaway
Aalalahanin kung paano inaalala ang sarili
Mamahalin kung paano minamahal ang kaibigan.
Hindi sigurado ang ating patutunguhan
Pagkat tayong dalawa ay maihahalintulad sa aking tula:
Di tugma ang tono, tunog at metro.
Subalit ang nilalaman naman ay todo-todo.
Kahit ganito, ito ang iyong tandaan.
Ang pagkakaibigan nati'y wala na sanang katapusan
Sapagkat aking pinipili ang estado kung saan
Tayo'y mas magtatagal at mas magmamahalan.
yea. tagay. haha
ReplyDeleteBrad sa kabilang kanto inuman. Haha.
ReplyDeleteAng gondo naman Bebs! Galing galing nomon! :>
ReplyDeleteTotoo ba yan, Bebs? o.O Haha. Salamaaaaat. >:D<
ReplyDelete