Wanna find something? Type in.

Tuesday, May 31, 2011

Ayoko sa lahat yung...

Yung ipaparating ko yung point ko tapos hindi maiintindihan.
Ilang beses pauulitin ngunit tila walang narinig.
Yung magdadabog na akala mo bata.
Magpaparinig pa yan, punyeta.

Ayokong nag-aaway sa mababaw na dahilan.
Akala wala nang ibang pagkakataon para magsigawan.
Tingi'y ikamamatay kung hindi magsasagutan.
Tila ang kausap ay nasa kabundukan.

Naiinis ako tuwing tama ako pero pinagmumukha akong mali.
Nabu-bwiset kapag paulit-ulit na pero wala paring epekto.
Napapa-punyeta tuwing ipapaalala sa'kin ang dating ayoko nang maalala.
Nayayamot kapag ganito.

Ay bwiset, magkaaway na naman kami.
Sa anong dahilan kamo?
Sikretong malupit, bawal sambitin.
Sa sobrang babaw, di ka malulunod.

Tangna ate, mag-apartment ka na. Ako na sa kwarto mo para makaiyak naman ako.

© R. Di ako iiyak para sa lalaki kaya wag magisip ng kung ano.

No comments:

Post a Comment