Umupo ako sa labas ng bahay namin para magpahangin. Di pa ko nakaka-rekober sa pagod ng pag-jog, peste talaga. Pinakuha ko ang aking laptop sa kapatid ko kahit naiinis na siya sa kakautos ko.
Nagisip ako ng ittype…
Napatingin ako sa langit…
Hindi katulad ng dati, kahel ang kulay ng kalangitan at hindi itim o asul. Tapos naalala kong may nagsabi sa’kin na kaya raw ganon ang kulay nun dahil sa polusyon. Woooooow ang reaksyon ko dahil hindi ko alam na ganon pala yun.
Natakpan na siguro ng usok (o kung anuman ang tawag dun) ang mga bituin. Gusto ko silang makita ngunit tila nahihiya silang masulyapan. Gusto ko silang halikan pero mapapaso dila ko, wag na lang pala. Gusto ko silang panoorin, okay lang sa’kin kahit yun lang gawin ko buong gabi. Gusto ko sana silang lapitan pero natatakot akong pumunta sa outer space, pakiramdam ko lalamunin ako ng katahimikan at ng kalawakan.
Haaay buhay, ang hirap magisip ng ipopost, kung anu-ano na sinasabi ko.
No comments:
Post a Comment