Wanna find something? Type in.

Friday, May 27, 2011

Nalaman ko na mabisang pampatalino ang jogging.

Created 4:54am

Isa raw kasi itong uri ng cardio exercise --- yung tipo ng ehersisyong makatutulong sa tamang pagtakbo ng ating mga puso at baga.

Interesado ka?
Magpapatalino ka noh?

Ang tamang paggana raw ng puso at baga ay makakatulong naman sa tamang suplay ng oxygen sa ating utak. Alam naman natin na kinakailanagan ng ating utak ng oxygen para gumana ng maayos . Bukod sa tamang suplay ng hanging ito, nakakatulong daw ang cardio exercises sa pagdagdag ng white fluid sa ating utak na tumutulong naman sa pagtalas ng memorya. Kung ano ito---ano ito? Di ko rin alam, sorry.

Ngayon, kaya ko ito nasabi ay dahil naisipan namin na mag-jog ngayon. Akalain mo yun, sumasakit na mga kasu-kasuan ko, ang lakas pa ng loob ko.

Apat na taon na ang nakakalipas, ganitong-ganito rin ang eksena sa taekwondo trainings ko. Sa lahat ng exercise na ginagawa namin, jogging ang pinaka-ayoko. Para kasing nagkakaroon ng sariling puso yung utak ko eh, pag napagod ng husto, tumitibok. Nahihirapan din akong huminga dahilan para sumuko ako. Pero ang salitang “suko” ay hindi uso sa’min noon. Sumuko ka at push-ups ang katapat mo.

Nalaman ko rin na hindi pa gising ang mga aso sa’min dito ng alas-kwatro kaya walang dapat ikatakot mag-jog. Hindi pa rin nagpapakita ang mga sumakabilang buhay na… dahil baka ako ang mapunta sa kabilang buhay pag nasulyapan ko sila.

Nalaman ko rin na mahina na ang mga binti ko. Kung dati higit sa liman-daang sipa ang kaya kong isipa sa sipaan, ngayon hindi na aabot ng isang-daan. Saklap. Kung sana eh hindi ako pinahintong mag-training noon para sa pesteng pageant na yan, kung sana mas naintindihan ko kung bakit dapat mag-train… kung sana hindi ako huminto eh di siguro black belter na ‘ko ngayon. Emo na ‘ko, penge eyeliner.

Hindi pa man kami tapos mag-jog, sumasakit na ulo ko. Nakakainis. Alam mo yung pakiramdam na may yelo sa noo mo, parang may hinampas na brick sa ulo mo, at tila may pumipisil sa utak mo… kung may utak ka man. Tapos bingi pa yung isang tenga ko. Ramdam na ramdam ko na ang pagtulo ng pawis ko at ang pagpulso ng mga laman ko.

Pag-uwi namin sa bahay, hinang-hina ako. Ayoko na mag-jog kaso nagyaya ulit sila na mag-jog. Utang na loob, ika ko. Pero di sila nagpaawat, masarap daw pagpawisan. Tinanong ko kung anong lasa, secret recipe daw yun.

(R) Ayoko na.

2 comments:

  1. may iba ka pa bang idea jan parang walang ka taste taste man to!
    !









    WALAY LAMI,,,,,,,,,,,,,,,,,................!!!!!!!
    !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. Marami akong idea na baka hindi kayanin ng utak mo. E bakit di ikaw magisip, kapatid? Baka kasi iba ang taste buds mo kaya di mo malasahan trip ko. Bye. :)

    ReplyDelete