Wanna find something? Type in.

Monday, May 30, 2011

Mga bagay na ipinag-pa-pasalamat ko at naging kaibigan ko ang mga kaibigan ko.

Yung maguusap kayo kung anong oras magkikita-kita.
Yung maghihintayan sa baba ng LRT.
Sabay sasakay ng jeep.
Isa-save ka ng upuan at papasingitin ka pa.
Sasamahan ka sa main building kahit sobrang init.
Hihintayin kang matapos mag-asikaso kahit sa sahig lang sila umupo.
Kahit anong kainin niyo, okay lang.
Sama-samang mapapahiya.
Maguusap ng kahit ano, kahit minsan wala nang sense.
Yung sa kanila mo lang nasasabi ang ibang bagay na hinding-hindi mo sasabihin sa iba.

Ilan lamang yan sa mga nagawa ng aking mga kaibigan ngayong araw para patunayan na hindi kami nagkamaling maging kaibigan ang isa't-isa.

********

Matalinong bata si Susan at pala-kaibigan pa. Ngunit napansin nila Edmund at Peter na tila may mali sa kanyang ugali. Hindi nga naman masamang "may mali sa kanyang ugali", ngunit dapat nating pakatandaan na lahat ng sobra ay nakasasama. Hindi nila maintindihan kung talaga nga bang kaibigan ang turing niya sa mga kaibigan niya o ito'y isang pagpapanggap lamang para sa kanyang ikabubuti. Sa kanilang pananaw ay nagiging user-friendly ang nabanggit na hampaslupa dalagita. At ang iba pang mga panlalait nila dito ay sa kanila na lamang, dahil sila lang naman ang nagkakaintindihan.

********

Umalis na naman sa upuan si Lucy, at dumako sa ibang himpapawid. Normal nang gawain ito para sa kanya, ang mambulabog ng iba tapos iiwan bigla... lilipat sa ibang pwedeng bulabugin. Nakakainis, ang tanging reaksyon ng mga tao sa kanyang paligid lalo na kapag sila ang binubulabog. Hindi maunawaan ang pagkatao ng batang ito: minsan mabait... minsan lang talaga. Tapos biglang matutulala. Tapos biglang maingay. Tapos... tapos na. Nakakainis na. Ito ang dakilang "walang pinapanigan pero meron naman" at ang nagiisang "sabi ni ganito, ganito ka raw". Yan ang kanyang field of expertise, minsan nga gusto ko nang magpa-tutor.

*******

      Sa ating paaralan, normal na ang magkaroon ng barkada. Yung barkadang sasandalan mo pag inaantok ka na, yung dadamayan kang makipaglamay, yung patatawanin ka kahit alam nilang puno ang bibig mo at higit sa lahat, yung tutulungan ka... na mahulog sa kanal.
       May nakilala ako sa dati kong eskwelahan. Sila yung grupo ng matatalinong tao kung tao man silang maituturing. Tila'y lamanlupa eh. Mukhang masaya sila sa grupo nila, ang una kong naisip. Madalas kasi silang magtawanan, madalas magbiruan at kahit pa mga babae sila e kaya nilang makipagsabayan sa mga lalaki. Perpekto. Walang labis, walang kulang. Sila yung grupong gugustuhin mong kabilangan... ngunit hindi pala.

      Minsan na akong napalapit sa kanila at dahil mapag-obserba akong tao, napansin kong may pagkukulang ang grupong halos tingalain ko na. Napansin kong may kakaiba sa pakikitungo nila sa isa't-isa sa ibang pagkakataon. Napansin kong tila yata'y pagkakaibigan nila ay minsang nauuwi sa paggagamitan. Ang mga tawa't halakhak ay nawawala sa pagdaan ng panahon. Ang mga papuri sa isa't-isa ay ginugustong angkinin. Ang mga kwentuha'y paninira sa ibang tao at ang panlalait ay karumaldumal.

*******

Minsan ko na silang nakilala ng ganito, at mabuti na lang ay nasa kolehiyo na 'ko. Ngunit habang papalapit na ang pasukan, naisip ko kung ano ang pwedeng mangyari kung ang kaluluwa ng grupong ito e sumanib sa amin? Hindi ko gugustuhing maging kaibigan ang mga ganitong tao. Minsan, kilala ka lang pag may kailangan sa'yo. Minsan pupurihin ka pero pagkatalikod mo, puro panlalait na. Minsan gagamitin ka para sa ikauunlad nila. Paniniwalain na kakampi mo sila ngunit hindi naman talaga...

*******

Mabuti na lamang ay may mga taong katulad ni Edmund at Peter... kaya mahal na mahal ko sila eh.



© R. The names of the characters mentioned is taken from "The Chronicles of Narnia". Any resemblance to persons living or dead is purely coincidental. Especially you, __________, bitches.

No comments:

Post a Comment