Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay eh... hindi ko alam kung bakit ang ingay ko. Shet ano raw?
Sa pagkanta nailalabas ang nararamdaman ng isang tao.
Sa simpleng liriko naihahatid ang nais ipabatid.
Ang tono ang siyang humuhulma sa kabuuan ng isang awitin.
Sa pagkanta nailalabas ang hindi kayang salitain.
Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay eh...
Kaya matutulog na 'ko.
Sometimes, words are better written than said; better read than heard. It’s easier to put it this way than stab you with a jagged dagger through my piercing tongue. Sometimes telling people isn’t always enough; sometimes writing to them is a way better. I write because I can. I talk because I have to.
Wanna find something? Type in.
Tuesday, June 28, 2011
Monday, June 27, 2011
Random.
Baka lang gusto niyo munang mag-break sa kakaaral para sa quiz... eto na ang mabisang solusyon sa mga nagsisipag-sipagan. Paunawa: Walang kwenta 'to. Gusto ko lang magpost. Pagkatapos nito mag-aaral na 'ko. Hahaha joke lang, alam kong hindi matutupad yun kaya bahala na lang kung sipagin. Dapat siguro binabadyet ko na rin ang oras ko... hindi ko na alam kung san ko nawawaldas eh.
O, daldal pa para may mapagbuntunan kayo ng stress. Eto ang mga pangyayari sa buhay ko ngayong araw:
A. Nag-away kami ng nanay ko. Sus, wala nang bago. Pero ang nakakainis dun, laging mababaw yung dahilan, parang 3-ft pool lang.
B. Nakasabay ko ang kaibigan ko sa LRT. Tapos nag-aral kami ng Economics. Ang hirap ng mga tinatanong namin... pagdating sa exam bigo.
C. Nakita ko yung estudyanteng nakakita sa'kin. Casual lang sana. Kaso eto yung simula pagsakay ko ng jeep last week, katabi ko na. Sing-bagal ko rin maglakad papuntang LRT. Nakatapat ko pa nga ata sa upuan... At hindi ko alam simula't sapul may red mark ako sa mukha. Mahabang mark na parang lipstick, di ko alam san nanggaling. At ambait niya para hindi sabihin sakin na "Miss, taga-mental ka ba?" Siguro mamamatay na kakatawa yung bakulaw na yun. Sheeeeeet.
D. May binigay ako kay Rechel. Clue: masarap itong alagaan... pero nakakatakot. Noh, Sevb? Haha.
E. Nalaman kong may hiwaga sa drinking fountain. May kapangyarahin ito para pigilan ang lahat sa paglapit dito. Kahit wala itong ginagawa, napapatili pa rin niya ang mga babae at kinaiinisan siya ng mga lalaki. Mamatay ka nang ipis ka. Wag ka dyan tumambay, dun ka sa drinking bottle ng seatmate ko.
F. Pagsabak sa unang pagsubok. Hindi ko alam kung sinong halimaw ang nagpauso ng quiz. Siguro naisumpa na yun dati pa. Okay na 'ko sa grade ko. Hindi naman mababa talaga, yun lang mas may mataas lang sakin. Nanliliit ako sa mga katabi ko... busog na busog ang utak. Tiyan ko lang kasi nabubusog sa mga hatid na biyayang dala ng mga pagkain ni Ruby.
G. Putol ang ibang klase. Bertdey ng Rector. Happy birthday po. Konti na lang, aakyat na po kayo. :)
H. Yellow model chick. Nag-rap ako, isang linya lang. Pag nakabisado ko yun kakanta ako... basta may TF.
I. Yellow bottle sipping. Pagdating ng bahay, walang kain-kain. Rap ulit, ansaya. Sana ganito na lang mga quiz. Nakakaya ko na siyang kantahin basta may kopya. Pag wala, tepok kang lamok ka.
J. Nagsulat. Lecture at blog. Hindi ko alam kung pano nalustay ang oras ko sa mga walang kwenta kong gawain.
K. Bati na kami. Kadarating lang ni Mama. Pinansin niya 'ko. Sheeeeeet yeheeeeeey.
***
Syempre eto ang mga plano kong gawin sa ngayon:
1. Ipost 'to at kumanta ulit.
2. Kumanta ulit, ubusin ang oxygen sa paligid.
3 Matutulog.
4. Mag-aaral para sa Theology quiz bukas. Ay mali.
5. Gigising. Kasi mahirap mag-aral pag tulog ka.
6. Hindi ko sigurado yung pang-apat. Malalaman niyo kung nagawa ko bukas beybe.
Ayan ang buhay ko. Puno ng mga walang kwentang bagay. Sinusubukan ko naman mag-aral (para sa bahay ko) kaso lang may kumakanta sa utak ko.
Sunday, June 26, 2011
Yehey na matamlay: Y. e. h. e. y.
Kaninang alas-sais ko pa binalak mag-aral. Kaninang alas-siete, sinubukan ko ulit.... Natapos na ang Pilipinas Got Talent... nanalo na ang bet kong si Marcelito POOH-moy... wala pa ring nangyayari sa plano ko.
Ayan binabalak ko na namang mag-aral na talaga. Yung totoo na. Kaso Vice Ganda na. Pano pa ba 'ko makakapag-aral kung nag-e-echo na sa buong bahay yung mga halakhak ng pamilya ko? Pano pa 'ko makakapag-concentrate kung nakikitawa na rin ako kay Vice? Hay nako, Vice... bisyo ka talaga.
Pero eto promise. Kayo testigo. Mag-aaral na 'ko. Isang-isa na lang na tugtog ng Look at me now. Ay teka, dalawa na lang pala. Haha. Promise yan. Tapos mag-aaral na 'ko. Ay hindi, kakain muna pala tapos mag-aaral na talaga. Promise yan. Pinky promise.
© Tumatakbo ang oras. Tick tock.
Ang tunay na maganda...
Tutal puro lalaki ang bukambibig ko, ba't di ko naman pamugaran 'tong blog na 'to ng mga babae?
Ang tunay na maganda, kahit di magsuklay okay lang. Pero wag kang magpapakalbo para maatim ito.
Ang tunay daw na maganda, hindi lang matalino, mabait pa at maunawain. Sablay ako dito, di ako marunong umintindi. What is the asdgxhdgvmfhdlcneurhnfckdcn?
Ang tunay na maganda, mabango kahit di magpabango. Ang sikreto niyan, pinaliguan ng downy yung damit.
Ang tunay na maganda, humahalakhak. Hindi nagpapakahinhin kahit sobrang nakakangawit na sa panga ang tawanan.
Ang tunay na maganda nagpo-ponytail. Alam niyo ba, naka-ponytail ako ngayon.
Ang tunay na maganda, kahit may nagkakagusto sa kanya hindi niya hinahabol. Alam niya kasi na siya ang hahabulin.
Ang tunay na maganda, kinikilig. Wag na magpanggap na hindi kung obvious naman.
Uhm... ano pa ba? Wala na 'kong maisip.
Ang tunay na maganda, wala nang maisip.
Wow, coincidence!
Ang tunay na maganda, hindi lang mukha ang puhunan kundi pati lamanloob: bituka, atay, baga, bato...
Ang tunay na maganda, nagbebenta ng laman... ng mabuting kalooban. Mabait, kung di mo gets.
Ang tunay na babae, hindi lang sarili ang mahal. Pati sapatos, damit, accessories at kung ano pang mga kalandian. Haha. Joke.
Ang tunay na babae, nagmamahal. Hindi nagmumura.
Shit nagmumura nga pala 'ko. Revise:
Ang tunay na babae, marunong magmura.
Yehey.
Higit sa lahat, ang tunay na babae ay walang ginintuang puso kundi red na tumitibok. San ka ba makakakita ng gintong kumakabog pag inlove?
Ang tunay na babae, maganda kahit nagpapa-gwapo. Mabait kahit naiinis. Matalino kahit di nag-aaral. Tahimik kahit galit na. Habulin ng papabols kahit tumatakbo na. Tumitingin saglit sa iba pero binabalik sa nauna.
Sa lahat ng yan, isa lang ang napatunayan ko.
Tibo ako.
Shit.
Ang daming magaganda sa mundo noh? Ang hirap sa kanila, pumapangit pag katabi ako. E ikaw? Alam mo ba kung bakit hindi mo mahanap ang dream girl mo? Madalas kasi nasa bahay lang ako eh.
© Mga hinayupak kayo pag naniwala kayong tibo ako. Magkita-kita tayo sa purgatoryo.
Random.
Ansarap pumetiks noh? Nag-ol ako dahil may babasahin ako. Tapos nag-post na 'ko. Tapos nag-itunes. Kumanta... natyempuhan yung "Look at Me Now" version ni Karmina. Ayan ang saya, kinakabisado ko siya. Ni-request kasi ng mga kaibigan ko, nagpauto naman ako. Palibhasa nahumaling sa Super Bass ko, sinamantala na. Walangya.
Anhirap nito, nakakadugo ng lungs at nakakabuhol ng dila. Sa bilis ng mga salita parang pwede nang ipangkarera sa mga kabayo.
Tapos naalala ko... quiz week pala. Shit. Nagbasa naman ako sa Economics, nagmistulang coloring book nga yung libro kong parang encyclopedia dun eh. Masaya kasi mag-highlight, try niyo rin. Dalawang kulay pa. Haha. Ansaya pramis. Kaso sa utak kong 'to hindi pwede ang isang basa lang. Hindi ko nga alam kung bakit napaka-ulyanin ko eh. Hindi ko naaalala yung lessons namin. Siguro ganon talaga pag nagaaral noh? Masarap kalimutan lahat ng nakaka-stress.
Sana sa pag-aaral, itetest lang lahat ng maaalala mo, okay na. Hindi yung pipiliting isuksok sa kokote kong sinliit ng nunal ko sa mukha lahat ng gusto nilang malaman ko. Hindi ko naman magagamit lahat ng yan sa buhay ko. Pag ba nakikipag-usap kelangan mo pang malaman ang Accounting Framework? Pag ba magpapatayo ng bahay, kelangan ko pang mag-illustrate ng graph at idiscuss sa architect ang opportunity cost ng pagpili ng saging kesa kamoteng nakakautot? Parang hindi naman...
Parang oo rin. (Shit balimbing pala.) Alam ko namang kelangan ng Pilipinas lahat ng lumalabas sa bibig ng mga professor namin eh, maski mga talsik na lumalaway noh? Wow ang corny, laslas na tayo. T______T
May nabasa ako sa internet noong bakasyon na para ma-motivate ka raw mag-aral, ilista mo lahat ng purposes ng pag-aaral mo sa isang malinis na papel para maaalala mo lagi kung bakit ka nga ba nag-aaral. Sinubukan ko naman baka sakaling makatulong. Epektibongbibo.
Alam niyo kung ano'ng una sa listahan ko? Bahay. Gusto ko kasing magpatayo ng bahay eh. Kasi mahirap yung magpa-upo. Nako delikado yun, gawaing adik. May nakita ako sa Tumblr na halu-halong designs ng bahay... nainggit ako. Tsaka ko na-realize na ang pinakagusto ko talagang mangyari sa buhay ay magpatayo ng bahay. Gusto ko yung kwarto ko nasa loob ng kabinet. Gusto ko may cupboard under the stairs kung saan pwede akong magbasa. Gusto ko may secret passages, may library, may underground pang-hideout para pwede akong suminghot ng katol dun. Meron ding entertainment room pero dapat walang mga GRO at macho dancer sa loob. Dapat may rooftop din, manonood ako ng stars. Wow, naglalaway na 'ko. Yuck joke. Tapos may collection room. Tangina pag yumaman ako, magpapatayo ako ng mga rebulto ng Harry Potter characters. *evil laugh*
Kumplikado yung gusto ko sa bahay. Kaya kapag hindi naging architect 'tong kapatid ko, maghahanap ako ng asawang architect. Dapat yung may mabangong apelyido. Gusto ko nang dispatyahin 'tong akin eh. Ambaho, sakit sa bangs. Pwede na yung Sy, Lopez, Araneta o kaya Ayala. Hindi kasi ako ambisyosa.
Wala, nag-share lang ako ng kalokohan sa buhay ko. Pampalipas oras niyo. Pang-aksaya ng mga nalalabing oras ko bago ang quiz week.
Osige na nga, lalayas na 'ko.
Mag-iimpake ng impormasyon.
Tatahakin ang impyernong buhay bukas.
Maglalayag sa mundo ng kawalan.
Adios.
In life...
We should:
- never expect
- never demand
- never assume
Should know:
- your limits
- where you stand
- your role
- your priority
Don't:
- get affected
- get jealous
- get paranoid
- wait for his/her text
Just:
- go with the flow
- and stay happy with what you have.
© Credits to the owner.
Si seatmate, demanding.
Ako: Penge ngang ibang topic.
Siya: Ako topic mo.
Ako: Kapal mong lamok ka, bakit ikaw? 3 reasons.
Siya: Una, seatmate kita. Haha. Pangalawa, magkabirtdey tayo. Pangatlo---
Naalala ko sabi ko gusto ko ng bahay na pagbukas mo ng kabinet, kwarto pala. Sabi niya gusto niya pagbukas ng kabinet, Narnia na. Shit.
San ka ba makakakita ng seatmate mo, may looks at brains pa? Aba, putragis, swerte niya nakita niya 'ko. Haha. Sa lahat nga naman ng tao sa mundo, bibihira talaga yung pagkakataon na ka-birthday mo, kasunod mo ng surname, katabi sa seatplan, kasundo, ka-blog, ka-chat, katext at... kaibigan. Naks. Kaso nakakahiya, pinapagitnaan nila ako ng ka-loveteam niya. Minsan ansarap tumibok ng tugdug tugdug. Haha.
Itong batang 'to yung tipong titignan mo pa lang, good vibes na araw mo. Itsura pa lang mapapa-shit ka na. Siya ang nagturo sa'kin na pagsikapan ang math problems at wag umasa sa mga walang pag-asa. Siya rin nga pala yung bumaklas sa takong ng isa kong sapatos nung natanggal yung takong nung isa dahil sa pagkakahulog ko sa hagdanan sa UST Library. Nagmukha akong si Alice na nahulog sa Wonderland at si Cinderella na desperado sa sapatos.
Lagi kong pinupuri yung kutis nitong si seatmate, mas mukha pa kasing pambabae kesa sa'kin. Kung bakit naman kasi sobrang hot ko, pati sarili ko toasted na.
Yung pilikmata din niya... Putragis, kinabog yung akin sa pagkakulot. Ano ba 'tong mga sinasabi ko, di nga pala kami talo.
Oy Allen, patangkad ka na please? Pag mas tumangkad ka sa'kin, liligawan kita. Pramis.
=))
Dear future boyfriend...
Dear future boyfriend,
It's been years since I had one and maybe having you in my life would be one of the most crucial yet satisfying decision I'd ever make.
I think you know how complicated it is being in a relationship. Lots of expectations and demands and everything that adds up to this complex state makes it hard for me to keep holding on. But I wish that with you by my side would make everything worth it all.
Knowing myself, I sometimes look for perfection... anyhow, I want you to know that by choosing you, I accept every imperfection you may have. I'm not really looking for the most handsome, most intelligent and most gentleman. I am simply looking for a man I am friends with for years to whom I can share almost everything and to someone who will be able to cope up with me and my indecisiveness.
However, friendship for me does not only involve you and I, it also involve people around us: our family, friends and relatives. I also believe that for our relationship to work, it is best to have God at the center of everything. Maybe that fact is one of the things I lack in my past relationships, and since I want to make my life better, it would be essential to remind ourselves that without Him this wouldn't be possible.
I also ought to tell you that I am often misunderstood and I want you to understand that I want to be understood. I would appreciate if you will tell me things others don't know about you. It gives me a safe zone that we have something only the two of us know.
You need not dress like a celebrity or speak in decent English. I don't need you to impress me every now and then. I just need you to be you and accept me as I am. We should also remember that trust, respect, loyalty and faithfulness are ingredients to make this relationship work.
I also would like you to know that crying is healthy sometimes...
Future boyfriend, it is enough that we love each other and we put efforts to show it. I would love to sing with you, write with you, dance with you, learn with you, dream with you, watch movies with you, laugh with you and watch the stars with you.
This may not be the last letter I address to you. Who knows when time pass I'll be writing to you as my future groom?
Here to wait,
Your future girlfriend
Saturday, June 18, 2011
"Words still speak louder than actions."
Ayan ang natutunan ko ngayong araw na 'to sa Theology prof namin.
Pinapapili kami kung ano raw ang mas valid: words or action. Puta nga, ako pa tinawag sa recit. Haha. Sa totoo lang, kahit both yung una kong sagot at "actions" ang pangalawa kong pinili, "words" talaga ang gusto ko. Kaso na-op ako sa mga kaklase ko na lahat ay action kaya nakisawsaw na lang ako. Malaman-laman kong words nga pala talaga.
Hindi kasi ako makahanap ng explanation... sana sumagi sa isip ko kanina ang title ng post na 'to.
Pero sa totoo lang kahit words pa ung sinabi niya, di ko pa rin bibitawan ang paniniwala kong both dapat.
Aanhin mo ang mga salita kung wala namang kasiguraduhan kung totoo ang mga ito?
Aanhin mo naman ang mga aksyon kung wala din namang kasiguraduhan kung ano ang ibig sabihin nito?
Pag hinawakan ko kamay ng seatmate kong lalaki... anong meron? Masasabi niyo ba na kami na dahil lang sa ginawa ko?
Pag sinabihan ko siya, "Oy, mahal kita," maniniwala ba agad kayo?
Kasabay ng pananalita ang pagkilos. Kasabay ng pagkilos ang pananalita.
Walang silbi ang salitang walang laman. Walang silbi ang kilos o gawang walang kasiguraduhan.
Pero dahil prof siya, siya na. Siya na talaga.
Hi, seatmate. Mahal kita. Naniniwala ka?
Laboy.
"Sige, gusto mo bang maging katulad ng mga batang kawkaw?"
Matinding panakot 'to ng aking ina noon. At dahil bata pa, takot na takot naman ako. Batang kawkaw ang tawag sa mga batang pakalat-kalat sa kalye. Walang matirhan, walang makain at lasug-lasog ang damit. Nabanggit ko noon ang salitang ito sa aking mga kaibigan at pinagtawanan lang nila 'ko. Bakit? Ako pa lang daw ang kilala nilang nilalang na may alam ng salitang "batang kawkaw". Totoo ba? Shit.
Ano bang brand ng oven ang Pinas? Ang init, potek!
Nilalangis na mukha, pwede nang mag-prito ng itlog. Tagaktak ang pawis, pwede na magtayo ng sariling pool. Pesteng hangin, ginugulo buhok ko, pwede nang maging afro. Punyetang jeep, pwede nang maging jet sa bilis.
Ang sarap magreklamo noh? Napaka-imperpekto naman kasi talaga ng mundo at buhay ng tao. Nakakainis ang maraming bagay. Nandyan ang init ng panahon, ang kalam ng sikmura, pagaspas ng hangin, langis sa mukha, malagkit na pawis at iba pang mga bagay na kung tutuusin ay mababaw lang pero hindi natin maiwasang ireklamo.
Habang pauwi ako sa mala-impyernong init ng ating bansa, sinubukan kong palipasin ang oras sa pag-iisip ng gagawin ko sa aking pag-uwi. Assignment, wala... walang balak gawin. Aral, okay lang... okay lang kahit wag na. Kain, hindi pwede... 'di pwedeng kalimutan. Sulit kung maituturing na nag-iisip ako ng mga gagawin. Madalas kasi, nakatunganga lang ako sa biyahe o di kaya'y natutulog.
Punas, punas at punas pa. Tangina ang init talaga. Naka-puyod na ang aking buhok ngunit wala pa ring patawad ang pagtulo ng tila balon ng pawis sa aking katawan. Malakas ang hangin ngunit mainit ang singaw, nag-iisa talaga ang ating bansa. Punas pa ng pawis.
Sumakay ang mga pasahero at sumunod ang dalawang batang tila batang kawkaw. Madungis, gusgusin, madumi at parang hindi pa naliligo ng ilang buwan. Seryoso ako, buwan talaga.
Bilang isang normal na taong madalas na sumasakay sa walang kupas na jeep, kadalasang ginagawa ng mga batang katulad nila ang mag-shoeshine ng sapatos, tsinelas at pati paa damay na rin. Hindi mo mamamalayan, itim na pala ang kulay nito. O di kaya'y magbibigay ng sobre na may nakasulat na "kami po ay mga badjao, humihingi ng tulong para kami po'y makabalik sa amin..." saka sila maghihintay kung may magbibigay. Kadalasan wala.
Ngunit sa tanang buhay ko, noon lamang ako nakatagpo ng kakaibang pamamaraan upang manlimos. Ang isang bata ay may dalang pinagkabit-kabit na mga lata para ito'y kanyang itambol. Nagbigay sila ng mga sobre, tsaka hinampas ang mga bakal na instrumento.
Hindi ko ugali ang magbigay ng limos dahil konti na lang at baka ako na ang pumalit sa kanila. Aba, aba. Galante ang aking katabi sa kaliwa, nag-abot siya ng barya kasama ang iba pang mga pasaherong tila nasaniban ng mabuting espiritu. Sinulit ko na ang pwesto ko sa dulo ng jeep para makapagtago sa sinag ng araw, pero walang palya si haring araw. Matinik ang kanyang mga galamay.
Patuloy na tumugtog ang mga bata. Tambol, tambol, tambol. Kanta, kanta at kanta. Naniniwala ako na sila'y mga Badjao sapagkat hindi ko maintindihan ang mga liriko ng kanilang awitin. Makalipas ang kulang-kulang na dalawang minuto, nagsalita ang manong na nakaupo sa tapat ko.
"Boy, sino gumawa ng mga sobre niyo?"
Naisip kong isang kalokohan ang tanong na ito. Malamang na sagot dyan ay ang mga magulang nila na masyadong nabusog ng katamaran. Ngumiti lang ang mga bata, yung mga tipo ng ngiting nakakaloko at makikita mong sila rin ay pilyo. Hindi sila sumagot at patuloy lang sa pag-ngisi hanggang nagtanong ulit si manong.
"Sino amo niyo?"
Sumalpok sa mukha ko ang mga salitang binitiwan niya. Sino amo niyo? Tsaka sumagi sa aking isipan na ang mga laboy na ito'y marahil wala sa puder ng kanilang mga magulang kundi’y nasa ilalim ng mga sindikatong humahawak ng mga bata para manlimos sa kalye.
Tuso rin ang dalawang musmos na ito at pinili nilang hindi pansinin ang tanong tsaka sila nag-usap sa kanilang dayalektong hindi ko mawari.
Kita sa mga mata nila ang inosenteng kaalaman sa mundo. Kita sa kanilang mga ngiti at tawanan ang ligayang nararamdaman ng bawat bata. Ngunit hindi makukubli sa kanilang kilos at galaw ang pagiging mga musmos na mulat sa kahirapan.
Matagal-tagal din ang pananatili nila sa jeep. Nakaupo sila malapit sa akin at hindi ko maiwasang mapangiti sa mga usapan nilang kahit malabo ay walang dudang nakakatawa. Masaya ang kanilang halakhakan. Masigasig ang sigaw sa mga kalapit na jeep ng "Karerahan! Karerahan!" Walang palya ang patuloy na pag-uusap... tawanan ulit.
Kung sana'y mayaman ako at may sariling bahay, iimbitahan ko sila doon. Pakakainin, paliliguan, bibigyan ng gamit...
Nasan na kaya ang gobyerno natin? Kumikilos kaya sila para masugpo ang mga ganitong uri ng sindikato?
Nasan ang mga magulang ng mga batang ito? Alam kaya nila ang hirap na nararanasan ng kanilang mga supling?
Alam kaya ng mga batang ito ang kanilang ginagawa?
Palalim ng palalim ang naisip ko ng mga sandaling iyon at hindi ko namalayang nasa Tikling na pala kami. Hindi ko ugali ang magbigay ng limos dahil konti na lang at baka ako na ang pumalit sa kanila. Ngunit tila nag-iba ang ihip ng hangin... dahan-dahan kong ikinilos ang aking kamay para buksan ang aking bag. Sari-sari ang laman nito na sigurado akong wala ang mga batang ito. Patuloy kong kinakapa ang kinalalagyan ng aking pitaka, at nang makapa ko na ito at handang hugutin, tsaka sila biglang bumaba ng jeep.
Sinundan ko sila ng aking tingin at binalak pang tawagin, ngunit tila natikom ang aking bibig sa dahilang hindi ko alam. Noon ko lang napansin... sila pala'y naglalakad sa nakakapasong kalsada at mainit na panahon ng nakayapak.
Nakakalungkot na may magagawa ako pero hinintay ko pang umalis sila para kumilos. Nakakalungkot na maraming pagkakataon ang lantad na sa ating harapan ngunit pilit nating kinukumbinsi ang sarili na marami pa ang darating, saka tayo manghihinayang pag ito'y nawala na at walang kasiguraduhan kung ito'y mababalik pa.
Pababa na ako sa jeep…
Hindi ko inakalang sa isang sakay, marami akong natutunan. Hindi ko inakalang totoo pala ang madalas kong naririnig na "sa isang iglap, lahat ay pwedeng magbago".
Hindi nalalaman ng mga batang iyon, dahil sa kamusmusan, na isang tao ang kanilang nabigyan ng inspirasyon. Hindi ko rin inakala na sa dinami-rami ng tao sa ating bansa, sa mga bata ko pa pala mapupulot ang isang aral na pumukaw ng aking puso't isipan.
Ano bang brand ng oven ang Pinas? Ang init, potek!
Nilalangis na mukha, pwede nang mag-prito ng itlog. Tagaktak ang pawis, pwede na magtayo ng sariling pool. Pesteng hangin, ginugulo buhok ko, pwede nang maging afro. Punyetang jeep, pwede nang maging jet sa bilis.
Ang sarap magreklamo noh? Napaka-imperpekto naman kasi talaga ng mundo at buhay ng tao. Nakakainis ang maraming bagay. Nandyan ang init ng panahon, ang kalam ng sikmura, pagaspas ng hangin, langis sa mukha, malagkit na pawis at iba pang mga bagay na kung tutuusin ay mababaw lang pero hindi natin maiwasang ireklamo.
Bakit nga ba tayo nagrereklamo sa maliliit na bagay imbes na ipagpasalamat na lamang natin na ito'y nangyayari pa kesa hindi; ito'y nasa atin kesa wala...?
Imperpekto mang maituturing ang mundo at buhay ng tao, kanya-kanyang diskarte na lang yan kung paano mo pahahalagahan ang lahat ng bagay na mayroon ka. Kung may masama itong naidulot, matuto tayong tanggapin ito at bumangon sa pagkakamali. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan... lahat ng tao may pinagdadaanan.
Wag ka nang magreklamong konti ang pagkain sa pridyider... dahil may mga batang hindi pa nakakakain ng kanin at prayd chicken.
Wag ka nang magreklamong sira ang sapatos mo... dahil may mga taong yapak na tinatahak ang daang hindi alam ang patutunguhan.
Wag ka nang magreklamong hindi mo nakukuha ang gusto mo... dahil may mga taong hindi makuha ang kailangan nila.
***
"Riz, diba magaling ka? Diba may tiwala ka sa Diyos? Kung ganon, bakit may mga taong namamalimos sa kalye katulad niya? Bakit may mga naghihirap katulad nila? Bakit may mga taong may kapansanan? Bakit parang unfair naman ata..."
"Hindi ko alam..."
***
Dalawang taon na ang nakakalipas nang tanungin ito ng aking kaibigan. Totoong hindi ko alam ang aking isasagot ngunit alam kong may dahilan ang Panginoon. Yun kasi ang madalas kong sabihin nung nasa huling taon pa 'ko ng hayskul: "May dahilan lahat ng bagay. May dahilan kung bakit nangyayari ang mga pangyayari. Hindi man natin maipaliwanag ngayon kung ano at bakit, may tiwala ako na may sagot ang lahat ng ating katanungan..."
Kung tatanungin niya ulit ako, eto na marahil ang aking maisasagot:
"Nariyan sila para ipaalala sa atin kung gaano tayo ka-swerte sa kung anuman ang mayroon tayo. Nariyan sila para hindi natin makalimutang magpasalamat dahil tayo ay kung sino tayo ngayon. May dahilan ang lahat... at kahit mahal ko ang Diyos, hindi ko kayang basahin ang utak Niya kung bakit nga ba may mga taong katulad nila. Pero sa aking pananaw, nariyan sila para paglingkuran ang Diyos sa paraang sila lamang ang makakagawa. Kailangan lang nilang tanggapin ito at isiping ito ay biyayang kubli. Hindi natin dapat kalimutan na lahat ng mayroon tayo ay galing sa Kanya, at dapat ipagpasalamat…”
Bakit nga ba tayo nagrereklamo sa maliliit na bagay imbes na ipagpasalamat na lamang natin na ito'y nangyayari pa kesa hindi; ito'y nasa atin kesa wala...?
Friday, June 10, 2011
Random.
Putik gusto kong gawin yung Literature assignment pero hindi ko alam isusulat ko. Naiintindihan ko ang bawat salita sa "Aesthetically satisfying; intellectually stimulating; spiritually uplifting" ngunit hindi ko mawari kung paano ito maipapaliwanag sa paraang maiintindihan ng aking mga kamag-aral dahil ako ay may suliranin sa pagpapahiwatig ng aking sariling eksplanasyon.
Ayon sa aking masusing pag-iimbestiga, ako ay hindi kagalingan sa larangan ng pagpapaliwanag sapagkat iba ang nais kong iparating at sinasambit sa pagkakaunawa ng iba.
Mahal ko ang pagsusulat pero hindi ako nito mahal.
Mahal ko ang magsalita ngunit hindi rin ako nito mahal.
Ang pagtaas ng kamay sa bawat klase ay bihira ko lamang gawin, madalas ay hindi. Kahit aking nalalaman ang tamang tugon o sagot ay nananatiling tikom ang aking bibig sa guro, at bukas ito para sabihin ang sagot sa katabi.
May mga pagkakataon din naman na tila nang-iinsulto ang tadhana. Kung kailan ko napagdesisyunang sumagot ay tsaka ako hindi tatawagin upang sumagot. At kung kailan hindi ko na alam ang dapat isagot ay tsaka naman ako ang makikita ng kanilang makikitid na mga mata.
Walanghiya ang buhay.
Despise.
Dear friend,
Is it normal to hate people? I know of a person that sort of represent everything I despise in the world and worse, I get to see her every waking morning.
Yes, it's a 'her'.
But who she is, I guess it's better to be left unsaid to avoid misunderstandings. How it started is a different matter and I guess I'd love to share the story with you. Just promise that whoever you are reading this blog and you know me personally and you know this person I'm talking about and you want us to talk about it... leave a message: private or not. Don't dare mention the name or hell will eat you.
So it went like this: We were friends back then until I realized she was never really a friend.
She pretends not to be anyone's enemy but for me, she was nobody's real friend. I don't know, I'm not sure. But I am aware of the fact that she has this characteristic in her that makes people think she's a good friend. I saw that in her too, until I partly sensed that she was faking it. She has been faking it all along.
I remembered my Literature professor mentioning something about Shakespeare saying, "At every word, every reputation can be ruined" but I can't find it in Google. And I think it's what I'm doing this very moment. On the other hand, I personally believe that blogging about what I feel is far easier than keeping it to myself. I'm really scared to explode, honestly.
This person has the knack of convincing people that she is on your side when some fights are happening. But absolutely, she was not and she was never. All those times I believed her to be fixing a problem by not meddling with it, I proved myself wrong.
One day, I was quite intrigued by the reactions of one friend of mine towards me. I've also noticed that these two people (A and B. "A" being the original person we're talking about, "B" is the supporting actress) are getting along well with each other so I thought that they were up to something about me and those I got by my side. In another occurrence, A told me something that B told her something about me. Did you get that? I think it's quite vague. But here's the thing. B said something about me to A, then A said that B said something about me. I think you get it now.
The way she said it, it's as if she's trying to get a smooth sail on things but I'm an observant person and I saw the hole in her pretension. I bet she's expecting me to say something in return and I bet she's waiting for another claim to report to B. I'm not that stupid, really. I was wise enough just to nod and pretend I get everything she uttered. I know that when I ask just one question, my plot to know things will be put into closure because of my desire to know what else friend B said.
After getting enough evidence of how she treats people and act around them, I never tried to get close to her ever again. I've had enough and I got no desire to bring back what was once there especially if my perception of her personality is tarnished by my own intellectual and emotional judgment.
I should clear: we are not each other's enemies, but we are not friends either. We still talk to each other but just in a casual way. It's like talking to a complete stranger you know. Perfectly contradicting. I don't mind her being around too, because I have no intention of putting myself on her shoes especially if it smells stench.
She could have talked to me straight in my beautiful face about the problems we had but she never grabbed a chance. Oh, how she loved stabbing words at my back and how I loved shooting her with fiery silence and piercing eyes.
We already said sorry to each other. I thought we had forgotten about it... but her eyes are telling me something that until now is confusing.
But I should never forget to let doors open. I'm still fine talking with her. But I think it's best to be careful and cautious. And if time and fate permits, I want the friendship back.
I should clear: we are not each other's enemies, but we are not friends either. We still talk to each other but just in a casual way. It's like talking to a complete stranger you know. Perfectly contradicting. I don't mind her being around too, because I have no intention of putting myself on her shoes especially if it smells stench.
She could have talked to me straight in my beautiful face about the problems we had but she never grabbed a chance. Oh, how she loved stabbing words at my back and how I loved shooting her with fiery silence and piercing eyes.
We already said sorry to each other. I thought we had forgotten about it... but her eyes are telling me something that until now is confusing.
But I should never forget to let doors open. I'm still fine talking with her. But I think it's best to be careful and cautious. And if time and fate permits, I want the friendship back.
Sincerely Yours,
Confused Heroine
Agneta's diary.
Today I met a Korean who read my hand: a funny character, a wise man for the others but incapable of learning what he teaches.
Of course, like all fortune-tellers, he thought that I wanted to know about my love life, so he told me things that I always need to hear:a] I am looking for security and adventure at one and the same time, and these things do not go well together (I said nothing, but if I had to choose, I would take adventure).
b] I fall in love very quickly, and get bored just as fast. “Learn to love yourself,” he said.
My problem is not exactly love, because I manage to fall in love so easily – my problem is to show this love, my relating with others.Why do I get into so many frustrated relationships with so many men?
Because I feel that I always have to be relating with someone – and so I am forced to be fascinating, intelligent, sensitive, and exceptional.
The effort of seducing makes me give the best of myself, and that helps me.Besides, it is very hard to live with myself.
by Agneta J.
(found in Paulo Coelho's blog)
©R. I just feel quite related. Bold words may give you some idea.
Payo 001.
Wag mo nang hanapin ang hindi mo sigurado kung nandoon pa. Maging handa ka na lang para sa sususnod na pagkakataon. At kung sakaling magkita ulit kayo, makukuha mo na siya.
Nakakatats na kowt. Naisip ko yan dahil sa domo na jacket na dapt kong bibilhin pero out of stock na. Letse.
Thursday, June 9, 2011
Nalaman ko na kahit gaano pa kasama ang araw mo, may dadating pa rin para ayusin 'to...
At kahit na parang wala ka nang mapapala sa isang malas na araw, kung gugustuhin mong may matutunan, may matututunan ka.
Naranasan mo na ba yung bibilhin mo na yung binalak mong bilhin isang taon nang nakalipas tapos pagpunta mo sa shop, out of stock na?
Simula nun, naka-simangot ka nang naglalakad sa mall at lahat ng titingin sa mata mo iirapan mo. Naranasan mo na ba yung pipila ka at habang naghihintay, sasabihan ka ng cashier na sa kabila ka na lang pumila dahil mukhang mas konti, pero pagpunta mo dun mas mahaba pala?
Eh yung pauwi ka na sa maulan na panahon at bigla mong maaalala na magdedeposit ka pala? Tapos dahil masaya ang buhay, malaman-laman mo na lang na closed na pala yung account mo. How sweet.
Meron pa, natikman mo na ba kung gaano kasarap yung feeling na nag-aabang ka na ng jeep pauwi at bigla kang sasabihan na walang dumadaang biyahe ng jeep dun na sasakyan mo at lumipat ka na lang sa kabila? Sa kabila na sobrang layo habang umuulan at naka-heels ka pa?
Eh swerte ka talaga, may FX pero pinagiisipan mo kung mag-e-FX ka. May jeep pero malayo. May jeep, pasakay ka na, tapos bigla kang aalisan.
Naranasan mo na ba yang lahat? Hay buhay. Ako oo, sa isang araw lang lahat yan.
Malas ang bansag ko sa araw na ito. Lahat ng binalak ko, palpak. Mood ko ay sing-bigat at dilim ng bumabagyong panahon sa labas. Pero habang sinusulit ko ang aking pagsakay at biyahe, napaisip akong muli... Okay lang malasin paminsan. Okay lang magkamali. Dahil bandang huli, alam ko naman sa sarili ko na may natututunan ako bawat araw. Kahit simple at mababaw lang na bagay, alam kong matututunan ko rin 'tong pakinabangan pagdating ng tamang panahon.
Tuesday, June 7, 2011
Nalaman ko na may perpekto akong pinsan...
Gwapo, matalino, mukha namang mabait pero hindi ko alam kung mayaman. Basta sigurado akong matalino't gwapo 'to. As in.
Nagulat ako nung isang araw na naisipan kong mag-accept ng mga matitinong mukha sa dating katambak kong friend requests sa Facebook. Inaccept ko 'tong isang taong 'to na biglang nag-message sa'kin. Nagtanong siya ng mga pinaka-weirdong tanong na naaalala ko. Sinabi na rin kasi niya na baka magpinsan kami pero hindi ako naniniwala nun kasi "Lee" yung apelyido at wala akong kilalang kamag-anak na ganon ang surname. Naiinis na rin ako nun kasi hindi porke gwapo siya e ieentertain ko na siya noh. Eto siya oh, di niya account 'to ah.
Pero ayun nagka-alamnan na, magpinsan nga kami. Putragis na buhay 'to, labimpitong taon na 'kong nabubuhay hindi ko pa rin kilala mga pinsan ko. Anak daw siya ng kapatid ng tatay ko. So fraternal first cousin ko pala 'to, hanep. Taga-Mapua at sa totoo lang wala akong pakialam...
Pero isang beses, nag-fb hopping ako at siya yung natiyempuhan. Nakita ko bigla mga account niya sa kung anu-anong social networking sites. Tumblr at Twitter yung naaalala ko. Kaya ngayon follower na niya 'ko sa Tumblr nang hindi niya alam. Pakiramdam ko Tumblr famous 'to eh, hayup pre.
Nakita ko posts niya, ang tino, pang-tao talaga. Samantalang yung sa'kin pang-lamanlupa. Parehas kami ng opinyon sa RH Bill pati sa K-12 plan ng DepEd. Eto nga yung huli niyang mga salita tungkol sa K-12:
Can a colonial curriculum like K-12 provide the needs of the Filipino youth and the society? Will it resolve the high rate of unemployment especially among the youth? Maybe we don't need quantity of years in education? We need quality education! Maybe we don't need more years in school? Maybe we need more schools! Unless the government addresses in high costs of schooling, poor public spending, lack of liability and trasparency during widespread corruption within the sector, neither 10 nor 12 years would make much of difference.
Putris, bawal palang icopy-paste, tinype ko pa tuloy. At in fairness, dinugo ako ah. Alam kong hindi ko kayang magbitiw ng mga ganyang salita eh. Pakshet. Magpupulitiko 'to.
Nalaman ko na hindi pala "octopi" o "octopuses" ang plural ng octopus...
Alam niyo ba yun? Nahuli na ba 'ko sa balita? Pwes kung hindi pa, o eto pasabog. Hindi nga raw octopi o octopuses ang plural ng octopus kundi octopodes.
Susulitin ko na pagbblog.
Putragis, isang upuan at pangatlong post ko na 'to. Sapat lang. Hindi ko kasi sigurado kung makakapagsulat pa 'ko ngayong may pasok na dahil paniguradong iimbakan kami ng gawain.
You may wonder why sometimes I write in English, other times I write in my mother's tongue. I guess that's how it really goes... There are some things that can be written more appropriately in English. May iba naman na mas masarap ikwento sa Filipino.
Hindi ako bihasa sa parehong lengguwahe, basta makasulat ako okay na yun. Putanginang English yan, ang hirap ispelengin. At sadya rin kasing may mga bagay na nakakatuwa at nakakatawa sa Pilipino ngunit hindi sa Ingles. But we must never forget that sometimes, English suffices the feelings and emotions we can't wholly express in our own language.
That's just an opinion and if you think otherwise, blog about it and let me read it.
Siguro hindi naman importante kung sa anong wika ito nakalathala, hindi mahalaga kung ang bawat salita ay nasa sarili nating wika o nasa wikang banyaga hangga't naipararating mo ang gusto mong iparating.
Hindi na rin siguro mahalaga kung may nagbabasa ng blog ko o wala. Kung natatawa sila o hindi... Okay na sa'kin yung nagkakaintindihan tayo sa mga salitang nakasulat sa pahinang ito. Pero kung hindi, putik, walang kwenta pala 'tong gawa ko kung ganon.
I usually write melodramatic stuff in English. And believe me when I say that those things are damn serious especially when I write posts tagged as "Letters". I swear to heavens above I mean every single word I say, serious or not, joke or not, I mean it. Fuck off.
Pero minsan naiinis ako pag English. Aminado ako hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa gamit ng tenses lalo na yung Perfect Tense na yan. Punyeta akala ko gets ko na eh, nung pinaliwanag ng English professor namin last academic year lalo akong nalito. Ang gulo niya magpaliwanag, tae. Lamang lang ng Filipino ito ang gamit nating lengguwahe simula kuting pa lang. Pero kung tutuusin hindi ko rin naintindihan yung lessons nung first sem namin, mas maganda kasing pakinggan yung kwentong kalokohan ng prof namin kesa sa lessons namin.
Honestly, I don't know where this conversation would go and I really have no idea why I blab about this. All I know is that they don't really care about us. Tengene-ngene eh eh.
Oh, Propesor!
Eto na, dito naka-depende ang buhay namin sa kolehiyo. Utang na loob, sana maging mababait sila.
Yung isa, hindi gusto ang mga homosexual, ramdam ko yun. At hindi ko gusto ang palagay niya kaya kanina tuwing nagtatanong siya ng "Diba?" ang sagot ko "no". Hindi ako makapaniwala na tumatanda silang makitid ang utak. Nabanggit ko 'to kay ate pag-uwi ko, ang ika niya, iba raw kasi ang nakalakihang pananaw ng mga ganoong tao. Sa bagay... Pero ako, aprub sa mga ganon. Naniniwala ako na may karapatan silang piliin ang tingin nila'y makabubuti sa kanila, binigay man o hindi ng Diyos ang kanilang kasarian. May mga pagkakataong naipaliwanag na noon pa ng mga dalubhasa na sadyang may mga ganitong pangyayari sa buhay. Pana-panahon lang yan... Hindi ko alam kung bakit ko sila ipinaglalaban ng sarili kong paniniwala't opinyon, pero wala akong nakikitang dahilan upang sila'y pagkaitan ng kalayaan ng Simbahang Katoliko at ng iba pang mga relihiyong hindi sumasang-ayon dito.
Gandang intro sa unang prof. Ang weirdo kasi niya. Porke Philosophy 5 ang kanyang larangan ng pag-aaral pinipilosopo na niya kami. Yung literal na pilosopo na hindi na namin maunawaan.
©R. Sana naman matuloy ko pa rin paga-update dito.
"Nasasabik sa unang araw ng eskwela."
Taas-kamay with confidence, let's do the first day high!
Naaalala ko pa nung ito yung maging theme song ng pasukan noon. Idol ko pa Kamikazee nun kaya kabisado ko 'to dati.
Kamusta first day mga brad?
Kahit di niyo tinatanong, yung akin, masaya big time. Pagpasok ko pa lang ang bungad sa'kin: "Haba na ng buhok mo!", "Mukha ka nang babae", "Pumayat ka ah!" at ang pinakagustong-gusto ko talaga: "Puta Riz nakakainlove ka" na wala namang nagsabi. Ay buhay.
Hindi talaga 'ko makapaniwala na humaba na ang buhok ko. Pero siguro masyado lang akong umasa na magiging kasing-haba ito ng buhok ni Sadako. Pumayat daw ako, okay lang para hindi na masikip uniform, hindi okay dahil nagpapataba ako ng konting-konti lang. Mukha na raw akong babae, liligawan na raw niya 'ko. Walangyang Diana 'to, daming alam. Sa wakas, humahaba na hereret ko. Tangina pangako, di ko muna 'to papagupit, may nagsabi kasi sa'kin na magpahaba ng buhok tsaka i-braid ko raw pagdating ng panahon... "baka ikaw rin at akooow".
So far, so good. Yan ang masasabi ko ngayon kahit hindi naman talaga "far" ang narating namin ngayong araw. Dalawang propesor na ang nakilala namin at lahat ng masasabi ko sa kanila ay makikita sa susunod kong ipapaskil.
Aminin na natin, sa lahat ng mga asignaturang alam natin, Theology/Religion/Chrisitian Living na yata ang pinakamadali. Paborito ko 'to dahil laging mataas ang aking mga marka pero alam kong ganon din kayo kaya hindi na siguro importante kung umabot man hanggang ibang dimensyon ang grado ko.
Meron na kaming accounting subjects. Putik, nung unang taon nga, wala pa kaming major dinudugo na utak ko, ngayon pang meron na? Eto na ang impyerno. Pero sana maging okay lang, mukhang mabait naman yung prof namin eh. Wag lang sana niyang kalimutan na napagdaanan niya ang pagdadaanan namin ngayon kaya nawa'y maging gabay namin siya.
Masaya ang unang araw dahil magkakakilala na kaming lahat.... halos lahat. May mga bagong sala, at sa totoo lang nag-aalala ako sa kanila kanina dahil unang pasok pa lang nila sa aming apat-na-sulok na tahanan. Nagulat din ako sa sarili ko dahil pagkapasok nila, binati ko sila. Magulat kayo na ginawa ko yun dahil kahit iskandalosa ako, bihira pa sa bihira yung gawin ko yun. Naisip ko silang batiin para naman maramdaman nila na hindi sila iba sa'min. Alam ko kasi yung pakiramdam ng bago sa ibang mundo tapos walang kakausap sa'yo. At ikakahiya ko ang sarili ko kung ipaparamdam ko pa sa kanila yun e alam ko namang hindi magaan sa pakiramdam. Hayun, kahit saliwa, pakapalan na ng laman-loob.
Monday, June 6, 2011
PASUKAN NA ULIT!
Huling hirit bago pumasok bukas at maghintay ng walang hanggan dahil sa limang oras na bakante bago ang tatlong oras na subject. Gets mo ba?
Ang "subject" na madalas natin tawaging "subject" ay "course" daw sa kolehiyo. Alam kong may paliwanag yon na sinabi ng frop namin kaso hindi ko na maalala. At ang "course" na akala natin ay ang course na kinukuha natin ngayon ay hindi talaga course. May ibang tawag dun na hindi ko na mahalungkat sa utak ko.
Tangina pasukan na naman.
Hindi ko pa masyadong nasusulit ang bakasyon, at hindi pa handa ang utak kong makipag-bakbakan sa utak ng iba. Bakit kaya kahit ilang beses na tayong paulit-ulit na nakakaranas ng "first day of school" e nandito pa rin yung pakiramdam ng kaba? Hindi ko alam... kaya ko tinatanong.
Aminado ako, kinakabahan akong pumasok. Hindi dahil sa hindi ko kilala ang mga magiging kaklase ko dahil sa orihinal naming klase, dalawa lang ang nawala at apat lang ang dumagdag. Hindi rin ako kinakabahan sa kung ano ang magiging tingin nila sa akin. Dahil magkakakilala na kami, at kung magbago man ang tingin namin sa isa't-isa marahil ay kasama na yun sa package ng buhay.
Hindi ako makahanap ng dahilan pero siguro ang kaba ko'y hindi dahil ito ang unang araw... kundi kung ano ang magiging ako habang nagdadaan ang unang semestre... ang ikalawang semestre...
O diba, ang drama? Punyeta.
*******
Kasama sa pagpasok ng pasukan ang sari-saring kwento kung paano namin winaldas ang bakasyon namin. Panigurado yung iba nagpunta ng ibang bansa. Yung iba pumunta ng Boracay, Bohol, Cebu o kaya Aklan. Ang iba naman magbabahagi ng mga kwentong ngayon lang namin maririnig. Eksayting. Ngunit, ano kaya ang ikkwento ko?
Prof: How abut you, Ms...
Riz: Lumba.
Prof: Ms. Lumba, how did you spend your summer vacation?
Riz: Uhm.... I spent my summer vacation watching 500 days of Summer.
Ay puta corny, pakamatay na.
Debut ni Buddy.
PART 4: Ang Katapusan.
Patapos na ang gabi. Patapos na ang kasiyahan.
Patapos na rin ang pagpapanggap ko bilang isang babae. Yes!
Pagkatapos ng ending speech ni Buddy, party time na. Woohoo. Pero dahil nga hindi ako masyadong nakikipag-socialize at ganon din ang mga kasama ko, nagdesisyon na kaming umuwi pagkatapos naming mag-sign dun sa kung anumang-tawag-dun na photo book ata. Hahaha, di ko alam.
Pumunta kami sa dance floor kung saan matatagpuang naguunguy-ungguyan ang Bakal Boys para makapag-picture kay Buddy. Nakakahilo yung strobe lights, tae, muntik pa 'kong matisod. Oh, Prince Charming, bakit ika'y wala?
Putik save me, nakakatunaw 'to.
Pagbalik namin sa upuan namin, hindi pa rin tapos yung mga nagsusulat kaya konting hintay pa... Lumapit ulit sa'min si Buddy may kasamang lalaki. At ang bungad niya:
Joyce: Buddy, ito si Tofu. Tofu ito si Riz.
Riz: *smiles* Hi.
Tofu: *smiles* Hi.
Joyce: Taga-Mapua (pointing to Tofu). Si Riz, taga-Uste. Ah Buddy, kilala niya rin si Roy.
Riz: Sinong Roy?
Joyce: Magsino, ano ka ba? Haha!
Tofu: Hindi niya ata kilala. *smiles*
Riz: Ah! Haha. Kilala ko, akala ko kung sino.
(moment of silence and unending smiles)
Joyce: Ranah, Bea, Leli si Tofu. Tofu, sila Ranah, Bea at Arleli.
Tofu: Hi.
All: Hi.
(moment of silence and unending smiles... then exit)
Naramdaman kong may something 'tong si Buddy eh, kilala ko 'to. Hmmm.
Ayan, makakapagsulat na kami.
Okay tapos na 'ko, sila naman.
Ooops, picture daw. Palibutan daw naming mga babae si Don, isa sa mga Bakal Boys.
Isa pa raw.
At isa pa.
Ayan tapos na...
Upo lang muna kami habang naghihintay ulit magyayaang umalis hanggang pagharap ko sa kanan ko nakaupo na si Cho. Ay shet. Iwas-tingin dahil ako'y biglang naging binibini at sa isang iglap, tumatayo na kami dahil aalis na kami. Oh shit. Ayun na eh.
Dahil mabagal akong maglakad, naiwan nila 'ko ng kaunti. At pagdating ko sa may pinto, may lalaking bumati sa akin.
EXPECTATIONS:
Tofu: Hi! Riz, right?
Riz: Oh yeah. Tofu, isn't it?
Tofu: *nods* Saan ka nga ulit nag-aaral?
Riz: Diba kakasabi lang ni Joyce kanina?
Tofu: Oh yeah, sorry. Anong course mo?
Riz: Bakit? Dun ka mageenroll?
Tofu: Haha. Palabiro ka pala.
Riz: Alin ang biro dun? So clown na 'ko ngayon ganon? Perya na 'to?
Tofu: Ah, hindi naman. Anyway, paalis na 'kayo?
Riz: Di masyadong obvious? Naglalakad tayo palabas, ayun yung mga kaibigan ko hinihintay kang umalis. *sarcastic smile*
Tofu: Oh right, sorry. Okay, bye. :)
Riz: Bye! *confident smile*
REALITY
Tofu: Hi! Riz, right?
Riz: Oo...
Tofu: Saan ka nga ulit nag-aaral?
Riz: Uste...
Tofu: Ah, anong course?
Riz: Accountancy... *nagmamadali papunta sa mga kaibigan*
Tofu: *sumusunod*
Anyway, paalis na 'kayo?
Riz: Oo... *fake smile*
(awkward moment with friends)
Tofu: Uhm, sige... ingat. :)
Riz: Hmm. *awkward smile*
Oh, tapos na ang palabas. Paalam, mga kaibigan.
Oh, tapos na ang palabas. Paalam, mga kaibigan.
Sunday, June 5, 2011
Debut ni Buddy.
PART 3: Ang mga Kaganapan.
Kagaya ng mga normal na debut may 18 Black Jacks (dances), 18 Candle Dice (candles) kung saan ako kasama, 18 Poker Chips (treasure), 18 Toasts (shots), at 18 Bucks (money).
Tangina kinakabahan talaga ako kasi hindi naman ako magaling magsalita sa harap. Ang masaklap pa, may twist na nilagay sa Candles. Bago magbigay ng message, bubunot ka ng tanong tungkol kay Joyce at saka mo sasagutin malamang. Kung ano ang tanong na nabunot ko at ano ang isinagot ko, akin na lang yun. Basta ang importante hindi ako naparusahan.
At ito ang mensahe ko na madali kong kinabisado habang bumibilis ang tugdug tugdug ng puso ko:
Six years ago, we met each other. Three years after, we became classmates then friends and then we started calling each other "Buddy". Since then, we have been there for each other. We help each other through it all and she's always there to support me in everything I do. (Banda dito impromptu na kaya hindi ko na maalala) Siya yung tutulong sa'yo kapag wala ka nang matakbuhan at hinding-hindi ka iiwan. For that, I want to thank you, Buddy. And always remember that you were, you are and you will always and forever will be my one and only "Buddy".
Baka sakaling naiisip niyo kung saan ba nagsimula yung tawagan namin. Nung 3rd year kasi kami, parehas kaming nag-COQC Training (Cadet Officer Qualification Course) kasama ang iba pang ka-batch namin. Sa puspusan naming training nung Christmas break, may part dun na kukuha ng partner at sabay kakain ng lunch na binaon namin. Magsusubuan kayo at bilang ang bawat galaw, dapat ubos ang lahat ng dala at mabilis ang bawat pag-nguya.
Ang "buddy" mo rin ang magiging partner mo sa lahat ng oras, sabay kayong maglalakad at kahit pa gusto niyang mag-CR kahit gabing-gabi na, dapat ka pa rin niyang gisingin. Ito yung "bok" sa militar. Ito yung "best friend" sa totoong buhay. At "kambal" sa magkapatid. Kung close kami bago kami maging buddies, mas naging close kami pagkatapos. Mas nakilala namin ang bawat isa. Mas minahal namin ang pagkatao ng isa't-isa...
Balik sa kasalukuyan, masaya rin naman sa loob ng function hall. Dapat ko sigurong banggitin na kami ang pumangalawa sa photo booth. Nasa akin nga yung isang kopya kasi ii-iscan ko dapat, e tinatamad ako.
Kumanta rin si TJ. Ex ko ulit. Ex ng kapatid ko, punyeta. At magaling kumanta't sumayaw. Talentadong bata. Okay na sana, maitim lang, maliit at babaero. Kala mo naman... gago.
Sumayaw si CJ, crush ko 'to dati eh. Ang ganda niya kasi, ang haba ng buhok, ang galing sumayaw sobra. Parang Chachi lang. Kaso ngayon, naunahan pa 'kong maging lalake. Yung dating hanggang bewang niyang itim na buhok ay brown na at hindi na lalagpas sa balikat.
Sumayaw at kumanta naman si Ate Jane at isa pang lalaki nilang kamag-anak. Ka-kurso ko si Ate Jane at madalas ko siyang nakikita sa building namin. Lagi kaming nagbabatian tuwing nagkakasalubong. Naalala ko pa nga nung pumasok siya sa room para pangunahan yung botohan para sa magiging adviser namin.
Sumayaw din ang "Bakal Boys". Hindi talaga yan ang pangalan nila, pero yan ang ibinansag sa kanila ng host nung gabing iyon. Sila yung mga kolokoy nung hayskul kami. Lahat sila nakasama ko na sa mga okasyon at masasabi kong kahit mga unggoy sila, mababait naman. Maloko pero seryoso pagdating sa babae. Kahit minsan may sungay, minsan naman may pakpak. Ah, kasali dito yung dalawa kong ex, si Oneill tsaka TJ. Tangina benta talaga nila sumayaw. Lahat ng kalokohan alam.
Dapat ko rin sigurong banggitin na may gwapong pinsan si Buddy. Cho ang tinatawag sa kanya at naalala ko bigla na 'tong si kuya pala yung nagpinta sa 47 na maskara namin nung nag-present kami ng interpretative dance nung 3rd year. Hindi ko tanggap yung resulta nun, pramis. Isa ako sa namamahala ng mga praktis. Isa ako sa namimintas kapag may ayaw ako. Sisigawan ko sila pag may nagsalita o may gumalaw na hindi dapat gumalaw. LUHOD! TUNGO! ang linya ko nun. Ako ang lalapitan para tanungin kung pangit o maganda, kung sapat o kulang pa. Ako rin ang hihingan ng payo at ang masaklap. Ako ang nagmamayabang ngayon, pasensya na. Ako rin paminsan ang pinagagawa ng mahihirap na stunts. Tanginis. Pero okay lang, mahal ko ang seksyon ko nun.
Suot namin ang mga maskarang pintado ng mga bandila ng iba't-ibang bansa. Pagkakaisa ata ang tema ng presentasyon namin. Ang nakakainis tuwing hindi ako sasali sa praktis para panoorin sila at manghusga, ramdam ko sa sarili ko na maganda yung ginagawa namin, nananaas ang balahibo namin ni Bhea (hindi si Bea, kundi Bhea, kasama kong nag-aasikaso) tuwing pinapanood sila. At ito talaga ang nakakainis, pati Assistant to the President at ang nagko-coordinate ng mga activities sa school na si Sir Arsci ay aminadong kinilabutan sa presentasyon namin at ineexpect na kami ang mananalo--- kaso hindi. Tanginang judges 'to. Pilot section na naman? Ay putik.
At si Cho nga pala ata ang nagpinta ng mga maskara. Wow gwapo na, talented pa. Hindi nga lang ngumingiti. Well at least, gentleman, inabot niya sa'kin yung candle. Ang mapait lang, hindi lang ako inabutan. Hahahaha itigil ang kalandian.
At si Cho nga pala ata ang nagpinta ng mga maskara. Wow gwapo na, talented pa. Hindi nga lang ngumingiti. Well at least, gentleman, inabot niya sa'kin yung candle. Ang mapait lang, hindi lang ako inabutan. Hahahaha itigil ang kalandian.
Over-all, masaya talaga yung party. Nasabi ko na siguro noon na ayokong umaattend sa mga ganito. Ayokong nagmmake-up ako at nag-d-dress. Kingina pambabae yun eh. Nabanggit ko na rin marahil na hindi ko masyadong gusto na nakikita ulit ang hayskul friends ko...
Pero nagbago na 'ko ng isip. Okay din pala sa'kin na pumunta ako. Nakita ko ulit si Sir (pangalan niya talaga yan) na matagal ko nang hindi nakikita. Ay putik, namiss ko siya. Tsaka nakakatuwa kasi isang beses nag-gm siya sa group of friends niya para humingi ng tulong sa isang desisyong hindi niya mapag-desisyunan. Nasendan ako kaya tinanong ko kung wrong sent ba siya. Sabi niya "ay hindi, kasama ka talaga". Hanggang nagkatext kami ng matagal at sobrang haba dahil sa dilemma niya.
Namiss ko rin ang kalokohan ng Bakal Boys. Namiss ko mga pang-aasar nila sa'kin. Namiss ko sila Ranah at Bea, Arleli at Ange pati ang pagiging vain nila. Sa totoo lang, sila ata ang nagturo sakin maging vain. Nakakatuwa rin na kasama namin sa table yung dalawang Sienan na nakakausap ko na nung party. Approachable naman kasi yung isa, yung isa ewan. May isa pa kaming ka-table na lalaki, si Patrick. Eto yung kaibigan ng kaibigan ko na pwede ko na rin maging kaibigan. Mabait kasi, matalino pa. Sana kahit kalahati, pinamanahan niya 'ko ng talino.
Namiss ko rin yung mga ibang babae kong kaibigan. Ito kasi yung mga taong malalapitan mo talaga at lalapitan ka rin. Yung makaka-kwentuhan mo ng kahit ano. Tutulong sa'yo pag may problema ka. Tutulungan mo pag may problema sila.
At higit sa lahat, ang debutante, si Buddy. Seryoso ako sa mensahe ko sa kanya. Siya kasi talaga yung taong susuporta sayo. Pag kasama mo siya, hindi ka panghihinaan ng loob. Siya yung kaibigang hinding-hindi ka iiwan sa ere. Hindi nakakalimot kahit sa mga maliliit na bagay.
Ay puta. Ano 'ko kung hindi dahil sa kanila?
Subscribe to:
Posts (Atom)