Putik gusto kong gawin yung Literature assignment pero hindi ko alam isusulat ko. Naiintindihan ko ang bawat salita sa "Aesthetically satisfying; intellectually stimulating; spiritually uplifting" ngunit hindi ko mawari kung paano ito maipapaliwanag sa paraang maiintindihan ng aking mga kamag-aral dahil ako ay may suliranin sa pagpapahiwatig ng aking sariling eksplanasyon.
Ayon sa aking masusing pag-iimbestiga, ako ay hindi kagalingan sa larangan ng pagpapaliwanag sapagkat iba ang nais kong iparating at sinasambit sa pagkakaunawa ng iba.
Mahal ko ang pagsusulat pero hindi ako nito mahal.
Mahal ko ang magsalita ngunit hindi rin ako nito mahal.
Ang pagtaas ng kamay sa bawat klase ay bihira ko lamang gawin, madalas ay hindi. Kahit aking nalalaman ang tamang tugon o sagot ay nananatiling tikom ang aking bibig sa guro, at bukas ito para sabihin ang sagot sa katabi.
May mga pagkakataon din naman na tila nang-iinsulto ang tadhana. Kung kailan ko napagdesisyunang sumagot ay tsaka ako hindi tatawagin upang sumagot. At kung kailan hindi ko na alam ang dapat isagot ay tsaka naman ako ang makikita ng kanilang makikitid na mga mata.
Walanghiya ang buhay.
No comments:
Post a Comment