Letse 'tong kapatid ko. Tinitipid-tipid ko yung pera ko biglang mawawaldas lang. Huhuhuhuuuuuudas.
Buti na lang kulang-kulang 20mins away from bahay lang yung mall dito. Waaw fresh aircon. Kaso putragis parang pinamugaran ng mga lintek na naghahabol ng oras. Nakakainis. Pag pasok mo mapapa-shit! ka sa dami ng tao.
Okay, so ang plano bibili lang ako ng panregalo sa kaibigan ko para sa debut niya mamaya tsaka hair clip tsaka ibang supplies panggawa ko ng monster bookmark. Ang kaso, dahil kasama ko ang kapatid ko kaboom! Ubos ang pera. "Ate bili ka nito", "Ate, eto", "Ate------" TENGENEEEEE.
Pero wala, nagpadala pa rin ako sa impluwensya ng kapatid ko. Minsan naisip ko nga na mas BI pa siya kesa sa'kin eh. Lahat ng mga tinuturo niya sa'kin kinapapahamak ko. Pakyu.
Bago kami umalis ng bahay, ilang oras pa ang hinintay ko para makapaghanda siya. Akala mo pupunta sa party kung manamit, binalak pang mag-dress. Paglabas niya ng banyo ang bungad niya, "mukha akong prosti..." Tinignan ko siya sabay balik sa pagne-nail polish ko at sinabing, "Shit mukha kang prosti."
Akalain mo ba naman itsura, parang 6-7 inches above the knee yung dress tapos yung top niya nakalabas yung shoulders. E putik kung hindi ko kilala si Katorse babe aakalin kong siya yun eh.
Pumasok siya ng kwarto at nagpalit... hindi pa rin kuntento. Pumasok ulit at nagpalit... wala pa rin. Napansin na ni ate, "Ano ba, SM ka lang naman pupunta ah." "Eh wala akong magandang damit eh." Walang maganda!? Putragis yung suot ko nga bara-barang green shit shirt at pants lang eh. Tsaka nasa pagdadala na rin naman kasi yun diba? Yun nga lang, talo ko siya dun. Bwahaha!
Pagkatapos ng ilang palit, natapos din siya. Nung isang beses nga, nag-mall kami. Naka-violet shirt lang ako at pants tapos siya naka-ayos as in ayos talaga. Pagdating ng mall pinagtitinginan kami. Iniisip ko na iniisip ng mga tao artista 'tong kapatid ko at ako... muchacha. Shit.
Oh diba, putragis.
Pagkabayad, alis na dapat kaso sabi ng kapatid ko palamig daw muna. Okay, dahil mabait akong ate, sige. Niyaya ko na lang siyang mag-grocery para di kami mukhang kawawa pero sabi ko konti lang. Okay, sabi niya.
Ayan nasa hypermarket na. Woo sa wakas konti tao... kahit papaano. Pagkain lang naman ang bibilhin namin para may mangata kami sa bahay. Naisip ko rin magpataba ng konti kasi ayaw umangat ng timbang ko eh. Bili bili bili.
Tas may magandang babae akong nakita. Long hair, maputi, matangkad. Whoa, chiks! Sa sobrang ganda niya, natitigan ko na siya. Naka-shorts lang siya tas naka-shirt ng FEU. Teka... FEU? Tinignan ko ulit siya. SHIT SI DACQUIS! Grabe ang ganda niya.
Tapos magbabayad na kami. Omaygoat. Nagulat ako sa presyo ng pinamili namin. Halos isumpa ko na 'tong araw na 'to. Pagdating ng bahay, kinompyut ko yung nagastos namin. 70% ng pera ko ang nawaldas. Patay. Ubos. Butas ang wallet.
Buti na lang magpapasukan na.
©R. Wala nakwento ko lang. Malapit na yung debut! Magkakaalaman na sa magiging itsura ko. Peste sana lalaki na lang ako.
No comments:
Post a Comment