Wanna find something? Type in.

Sunday, June 26, 2011

Si seatmate, demanding.

Ako: Penge ngang ibang topic.
Siya: Ako topic mo.
Ako: Kapal mong lamok ka, bakit ikaw? 3 reasons.
Siya: Una, seatmate kita. Haha. Pangalawa, magkabirtdey tayo. Pangatlo---

Naalala ko sabi ko gusto ko ng bahay na pagbukas mo ng kabinet, kwarto pala. Sabi niya gusto niya pagbukas ng kabinet, Narnia na. Shit.

San ka ba makakakita ng seatmate mo, may looks at brains pa? Aba, putragis, swerte niya nakita niya 'ko. Haha. Sa lahat nga naman ng tao sa mundo, bibihira talaga yung pagkakataon na ka-birthday mo, kasunod mo ng surname, katabi sa seatplan, kasundo, ka-blog, ka-chat, katext at... kaibigan. Naks. Kaso nakakahiya, pinapagitnaan nila ako ng ka-loveteam niya. Minsan ansarap tumibok ng tugdug tugdug. Haha.

Itong batang 'to yung tipong titignan mo pa lang, good vibes na araw mo. Itsura pa lang mapapa-shit ka na. Siya ang nagturo sa'kin na pagsikapan ang math problems at wag umasa sa mga walang pag-asa. Siya rin nga pala yung bumaklas sa takong ng isa kong sapatos nung natanggal yung takong nung isa dahil sa pagkakahulog ko sa hagdanan sa UST Library. Nagmukha akong si Alice na nahulog sa Wonderland at si Cinderella na desperado sa sapatos.

Lagi kong pinupuri yung kutis nitong si seatmate, mas mukha pa kasing pambabae kesa sa'kin. Kung bakit naman kasi sobrang hot ko, pati sarili ko toasted na.

Yung pilikmata din niya... Putragis, kinabog yung akin sa pagkakulot. Ano ba 'tong mga sinasabi ko, di nga pala kami talo.

Oy Allen, patangkad ka na please? Pag mas tumangkad ka sa'kin, liligawan kita. Pramis.

=))

10 comments:

  1. Ayown naman! May sariling post para kay Len :> Naks. :>

    Swerte nito ni Manza o. Si bebs pa manliligaw =)) Patangkad na! =))

    ReplyDelete
  2. Ay shet. Hahahahaha.
    Oy Riz, mahiya ka mas matangkad ako sa'yo! Haha.
    Ano na nga yung pangatlong rason? Loljk. Ssshhs. Hahaha. May post na ko sa'yo. Wag mong basahin, baka ikamatay mo. Puro panlalait. Haha.

    Oy Jellie! Haha. Wala na 'tong pag-asang tumangkad. Ginawa ko nang lahat. T________T Hahaha. Ipagdasal mo ko.

    Haba ng comment ko shit. :D

    ReplyDelete
  3. Bebs, what are friends for? Hahahaha! Nung nagsabog ng kaswertehan, si Allen lang may insomnia. =))

    ReplyDelete
  4. Allen abnrml ka talaga. Sasabihing may post tas di ipapabasa? Naka-drugs? Haha. Maligo ka ng cherifer pleeeeease? >:)

    ReplyDelete
  5. Hoy Len, wag mawalan ng pag-asa! Habang humihinga ka pa, meron pa yan :> Pero wag kang mag-alala. Ipagdarasal kita. ;)

    ReplyDelete
  6. Jellie. MAgdilang anghel ka, tatangkad ako, tatangkad ka, magtatangkaran ang lahat. Hahaha.

    ReplyDelete
  7. Riz, alam ko namang babasahin mo pa rin kahit sabihin kong hindi. Haha. Baliw ka e.

    Ngapala mas matangkad ako sa'yo, so kelangan mo akong ligawan. Goodluck sa'yo, choosy ako. Hahaha.

    ReplyDelete
  8. Ismyuski Len. Haha. Len putik. Ang tunay na matangkad kahit naka-heels ang babae, matangkad pa rin. Ang tunay na matangkad hindi ikaw. HAHA. JOKE LANG. =)) Kahit parang hindi. >:)

    ReplyDelete
  9. Palusot. Haha. Osige na. Hindi na ko matangkad. Ikaw na. (Walangya ka, wag kang makikipagpalit ng upuan. Manigas ka. Joke. Haha :D)

    ReplyDelete
  10. Waaaaa Allen, patawarin mo 'ko. Inaamin ko matangkad ka na. Tangkad mo nga eh. (patawarin Niyo po ako sa pagsisinungaling) Haha! =))

    ReplyDelete