Eto na, dito naka-depende ang buhay namin sa kolehiyo. Utang na loob, sana maging mababait sila.
Yung isa, hindi gusto ang mga homosexual, ramdam ko yun. At hindi ko gusto ang palagay niya kaya kanina tuwing nagtatanong siya ng "Diba?" ang sagot ko "no". Hindi ako makapaniwala na tumatanda silang makitid ang utak. Nabanggit ko 'to kay ate pag-uwi ko, ang ika niya, iba raw kasi ang nakalakihang pananaw ng mga ganoong tao. Sa bagay... Pero ako, aprub sa mga ganon. Naniniwala ako na may karapatan silang piliin ang tingin nila'y makabubuti sa kanila, binigay man o hindi ng Diyos ang kanilang kasarian. May mga pagkakataong naipaliwanag na noon pa ng mga dalubhasa na sadyang may mga ganitong pangyayari sa buhay. Pana-panahon lang yan... Hindi ko alam kung bakit ko sila ipinaglalaban ng sarili kong paniniwala't opinyon, pero wala akong nakikitang dahilan upang sila'y pagkaitan ng kalayaan ng Simbahang Katoliko at ng iba pang mga relihiyong hindi sumasang-ayon dito.
Gandang intro sa unang prof. Ang weirdo kasi niya. Porke Philosophy 5 ang kanyang larangan ng pag-aaral pinipilosopo na niya kami. Yung literal na pilosopo na hindi na namin maunawaan.
©R. Sana naman matuloy ko pa rin paga-update dito.
Agree ako dun sa Theo prof natin. Parang ang homophobic niya. Ang discriminating niya pagdating sa mga homosexuals. Di ko siya trip. :|
ReplyDeleteHomophobic pala term. Hahaha! Odibaa? Grabe siya. Di ko siya trip pag nagtuloy yun...
ReplyDeletenakakainlove ka
ReplyDeleteAnon, I died a little, kahit parang dun yan sa previous post. Hahahaha! Joke lang. Naappreciate ko ang pampalubag-loob. Salamat! =))
ReplyDelete