Wanna find something? Type in.

Saturday, June 18, 2011

"Words still speak louder than actions."

Ayan ang natutunan ko ngayong araw na 'to sa Theology prof namin.

Pinapapili kami kung ano raw ang mas valid: words or action. Puta nga, ako pa tinawag sa recit. Haha. Sa totoo lang, kahit both yung una kong sagot at "actions" ang pangalawa kong pinili, "words" talaga ang gusto ko. Kaso na-op ako sa mga kaklase ko na lahat ay action kaya nakisawsaw na lang ako. Malaman-laman kong words nga pala talaga.

Hindi kasi ako makahanap ng explanation... sana sumagi sa isip ko kanina ang title ng post na 'to.

Pero sa totoo lang kahit words pa ung sinabi niya, di ko pa rin bibitawan ang paniniwala kong both dapat.

Aanhin mo ang mga salita kung wala namang kasiguraduhan kung totoo ang mga ito?
Aanhin mo naman ang mga aksyon kung wala din namang kasiguraduhan kung ano ang ibig sabihin nito?

Pag hinawakan ko kamay ng seatmate kong lalaki... anong meron? Masasabi niyo ba na kami na dahil lang sa ginawa ko?

Pag sinabihan ko siya, "Oy, mahal kita," maniniwala ba agad kayo?

Kasabay ng pananalita ang pagkilos. Kasabay ng pagkilos ang pananalita.

Walang silbi ang salitang walang laman. Walang silbi ang kilos o gawang walang kasiguraduhan.

Pero dahil prof siya, siya na. Siya na talaga.

Hi, seatmate. Mahal kita. Naniniwala ka?

4 comments:

  1. Sabi ko na nga ba ibblog mo to e. Haha.
    Ako rin both. Kalokohan nung prof na yun. Haha

    ReplyDelete
  2. Pwes, isa kang henyo. Haha! Magblog ka na, tek, wala 'kong mabasa. =))

    ReplyDelete
  3. Words actually sakin eh :)) Kaso lang di ko maexplain. Haha!

    Pero mas may katuturan talaga pag both. ;)

    ReplyDelete
  4. Tama! Both talaga dapat. =))

    ReplyDelete