Wanna find something? Type in.

Sunday, June 5, 2011

Debut ni Buddy.


PART 3: Ang mga Kaganapan.

Kagaya ng mga normal na debut may 18 Black Jacks (dances), 18 Candle Dice (candles) kung saan ako kasama, 18 Poker Chips (treasure), 18 Toasts (shots), at 18 Bucks (money).

Tangina kinakabahan talaga ako kasi hindi naman ako magaling magsalita sa harap. Ang masaklap pa, may twist na nilagay sa Candles. Bago magbigay ng message, bubunot ka ng tanong tungkol kay Joyce at saka mo sasagutin malamang. Kung ano ang tanong na nabunot ko at ano ang isinagot ko, akin na lang yun. Basta ang importante hindi ako naparusahan.

At ito ang mensahe ko na madali kong kinabisado habang bumibilis ang tugdug tugdug ng puso ko:

Six years ago, we met each other. Three years after, we became classmates then friends and then we started calling each other "Buddy". Since then, we have been there for each other. We help each other through it all and she's always there to support me in everything I do. (Banda dito impromptu na kaya hindi ko na maalala) Siya yung tutulong sa'yo kapag wala ka nang matakbuhan at hinding-hindi ka iiwan. For that, I want to thank you, Buddy. And always remember that you were, you are and you will always and forever will be my one and only "Buddy".
Baka sakaling naiisip niyo kung saan ba nagsimula yung tawagan namin. Nung 3rd year kasi kami, parehas kaming nag-COQC Training (Cadet Officer Qualification Course) kasama ang  iba pang ka-batch namin. Sa puspusan naming training nung Christmas break, may part dun na kukuha ng partner at sabay kakain ng lunch na binaon namin. Magsusubuan kayo at bilang ang bawat galaw, dapat ubos ang lahat ng dala at mabilis ang bawat pag-nguya.

Ang "buddy" mo rin ang magiging partner mo sa lahat ng oras, sabay kayong maglalakad at kahit pa gusto niyang mag-CR kahit gabing-gabi na, dapat ka pa rin niyang gisingin. Ito yung "bok" sa militar. Ito yung "best friend" sa totoong buhay. At "kambal" sa magkapatid. Kung close kami bago kami maging buddies, mas naging close kami pagkatapos. Mas nakilala namin ang bawat isa. Mas minahal namin ang pagkatao ng isa't-isa...

Balik sa kasalukuyan, masaya rin naman sa loob ng function hall. Dapat ko sigurong banggitin na kami ang pumangalawa sa photo booth. Nasa akin nga yung isang kopya kasi ii-iscan ko dapat, e tinatamad ako.

Kumanta rin si TJ. Ex ko ulit. Ex ng kapatid ko, punyeta. At magaling kumanta't sumayaw. Talentadong bata. Okay na sana, maitim lang, maliit at babaero. Kala mo naman... gago.

Sumayaw si CJ, crush ko 'to dati eh. Ang ganda niya kasi, ang haba ng buhok, ang galing sumayaw sobra. Parang Chachi lang. Kaso ngayon, naunahan pa 'kong maging lalake. Yung dating hanggang bewang niyang itim na buhok ay brown na at hindi na lalagpas sa balikat.

Sumayaw at kumanta naman si Ate Jane at isa pang lalaki nilang kamag-anak. Ka-kurso ko si Ate Jane at madalas ko siyang nakikita sa building namin. Lagi kaming nagbabatian tuwing nagkakasalubong. Naalala ko pa nga nung pumasok siya sa room para pangunahan yung botohan para sa magiging adviser namin.

Sumayaw din ang "Bakal Boys". Hindi talaga yan ang pangalan nila, pero yan ang ibinansag sa kanila ng host nung gabing iyon. Sila yung mga kolokoy nung hayskul kami. Lahat sila nakasama ko na sa mga okasyon at masasabi kong kahit mga unggoy sila, mababait naman. Maloko pero seryoso pagdating sa babae. Kahit minsan may sungay, minsan naman may pakpak. Ah, kasali dito yung dalawa kong ex, si Oneill tsaka TJ. Tangina benta talaga nila sumayaw. Lahat ng kalokohan alam.

Dapat ko rin sigurong banggitin na may gwapong pinsan si Buddy. Cho ang tinatawag sa kanya at naalala ko bigla na 'tong si kuya pala yung nagpinta sa 47 na maskara namin nung nag-present kami ng interpretative dance nung 3rd year. Hindi ko tanggap yung resulta nun, pramis. Isa ako sa namamahala ng mga praktis. Isa ako sa namimintas kapag may ayaw ako. Sisigawan ko sila pag may nagsalita o may gumalaw na hindi dapat gumalaw. LUHOD! TUNGO! ang linya ko nun. Ako ang lalapitan para tanungin kung pangit o maganda, kung sapat o kulang pa. Ako rin ang hihingan ng payo at ang masaklap. Ako ang nagmamayabang ngayon, pasensya na. Ako rin paminsan ang pinagagawa ng mahihirap na stunts. Tanginis. Pero okay lang, mahal ko ang seksyon ko nun.

Suot namin ang mga maskarang pintado ng mga bandila ng iba't-ibang bansa. Pagkakaisa ata ang tema ng presentasyon namin. Ang nakakainis tuwing hindi ako sasali sa praktis para panoorin sila at manghusga, ramdam ko sa sarili ko na maganda yung ginagawa namin, nananaas ang balahibo namin ni Bhea (hindi si Bea, kundi Bhea, kasama kong nag-aasikaso) tuwing pinapanood sila. At ito talaga ang nakakainis, pati Assistant to the President at ang nagko-coordinate ng mga activities sa school na si Sir Arsci ay aminadong kinilabutan sa presentasyon namin at ineexpect na kami ang mananalo--- kaso hindi. Tanginang judges 'to. Pilot section na naman? Ay putik.

At si Cho nga pala ata ang nagpinta ng mga maskara. Wow gwapo na, talented pa. Hindi nga lang ngumingiti. Well at least, gentleman, inabot niya sa'kin yung candle. Ang mapait lang, hindi lang ako inabutan. Hahahaha itigil ang kalandian.

Over-all, masaya talaga yung party. Nasabi ko na siguro noon na ayokong umaattend sa mga ganito. Ayokong nagmmake-up ako at nag-d-dress. Kingina pambabae yun eh. Nabanggit ko na rin marahil na hindi ko masyadong gusto na nakikita ulit ang hayskul friends ko...

Pero nagbago na 'ko ng isip. Okay din pala sa'kin na pumunta ako. Nakita ko ulit si Sir (pangalan niya talaga yan) na matagal ko nang hindi nakikita. Ay putik, namiss ko siya. Tsaka nakakatuwa kasi isang beses nag-gm siya sa group of friends niya para humingi ng tulong sa isang desisyong hindi niya mapag-desisyunan. Nasendan ako kaya tinanong ko kung wrong sent ba siya. Sabi niya "ay hindi, kasama ka talaga". Hanggang nagkatext kami ng matagal at sobrang haba dahil sa dilemma niya.

Namiss ko rin ang kalokohan ng Bakal Boys. Namiss ko mga pang-aasar nila sa'kin. Namiss ko sila Ranah at Bea, Arleli at Ange pati ang pagiging vain nila. Sa totoo lang, sila ata ang nagturo sakin maging vain. Nakakatuwa rin na kasama namin sa table yung dalawang Sienan na nakakausap ko na nung party. Approachable naman kasi yung isa, yung isa ewan. May isa pa kaming ka-table na lalaki, si Patrick. Eto yung kaibigan ng kaibigan ko na pwede ko na rin maging kaibigan. Mabait kasi, matalino pa. Sana kahit kalahati, pinamanahan niya 'ko ng talino.

Namiss ko rin yung mga ibang babae kong kaibigan. Ito kasi yung mga taong malalapitan mo talaga at lalapitan ka rin. Yung makaka-kwentuhan mo ng kahit ano. Tutulong sa'yo pag may problema ka. Tutulungan mo pag may problema sila.

At higit sa lahat, ang debutante, si Buddy. Seryoso ako sa mensahe ko sa kanya. Siya kasi talaga yung taong susuporta sayo. Pag kasama mo siya, hindi ka panghihinaan ng loob. Siya yung kaibigang hinding-hindi ka iiwan sa ere. Hindi nakakalimot kahit sa mga maliliit na bagay.

Ay puta. Ano 'ko kung hindi dahil sa kanila?

No comments:

Post a Comment