Taas-kamay with confidence, let's do the first day high!
Naaalala ko pa nung ito yung maging theme song ng pasukan noon. Idol ko pa Kamikazee nun kaya kabisado ko 'to dati.
Kamusta first day mga brad?
Kahit di niyo tinatanong, yung akin, masaya big time. Pagpasok ko pa lang ang bungad sa'kin: "Haba na ng buhok mo!", "Mukha ka nang babae", "Pumayat ka ah!" at ang pinakagustong-gusto ko talaga: "Puta Riz nakakainlove ka" na wala namang nagsabi. Ay buhay.
Hindi talaga 'ko makapaniwala na humaba na ang buhok ko. Pero siguro masyado lang akong umasa na magiging kasing-haba ito ng buhok ni Sadako. Pumayat daw ako, okay lang para hindi na masikip uniform, hindi okay dahil nagpapataba ako ng konting-konti lang. Mukha na raw akong babae, liligawan na raw niya 'ko. Walangyang Diana 'to, daming alam. Sa wakas, humahaba na hereret ko. Tangina pangako, di ko muna 'to papagupit, may nagsabi kasi sa'kin na magpahaba ng buhok tsaka i-braid ko raw pagdating ng panahon... "baka ikaw rin at akooow".
So far, so good. Yan ang masasabi ko ngayon kahit hindi naman talaga "far" ang narating namin ngayong araw. Dalawang propesor na ang nakilala namin at lahat ng masasabi ko sa kanila ay makikita sa susunod kong ipapaskil.
Aminin na natin, sa lahat ng mga asignaturang alam natin, Theology/Religion/Chrisitian Living na yata ang pinakamadali. Paborito ko 'to dahil laging mataas ang aking mga marka pero alam kong ganon din kayo kaya hindi na siguro importante kung umabot man hanggang ibang dimensyon ang grado ko.
Meron na kaming accounting subjects. Putik, nung unang taon nga, wala pa kaming major dinudugo na utak ko, ngayon pang meron na? Eto na ang impyerno. Pero sana maging okay lang, mukhang mabait naman yung prof namin eh. Wag lang sana niyang kalimutan na napagdaanan niya ang pagdadaanan namin ngayon kaya nawa'y maging gabay namin siya.
Masaya ang unang araw dahil magkakakilala na kaming lahat.... halos lahat. May mga bagong sala, at sa totoo lang nag-aalala ako sa kanila kanina dahil unang pasok pa lang nila sa aming apat-na-sulok na tahanan. Nagulat din ako sa sarili ko dahil pagkapasok nila, binati ko sila. Magulat kayo na ginawa ko yun dahil kahit iskandalosa ako, bihira pa sa bihira yung gawin ko yun. Naisip ko silang batiin para naman maramdaman nila na hindi sila iba sa'min. Alam ko kasi yung pakiramdam ng bago sa ibang mundo tapos walang kakausap sa'yo. At ikakahiya ko ang sarili ko kung ipaparamdam ko pa sa kanila yun e alam ko namang hindi magaan sa pakiramdam. Hayun, kahit saliwa, pakapalan na ng laman-loob.
Yay! At least humahaba na buhok mo :)) As usual, ganda mo parin :>
ReplyDeleteYung accounting, good luck sa atin. Sana makapasa tayo. Mukha ngang mabait pero malay mo malupet pala siya =))
Mararanasan ko narin sa PE yung bago sa ibang mundo tas walang kakausap sakin. Haay buhay. Pakapalan na lang ng mukha. Make new friends na lang? Haha. Good luck sakin. Shy pa naman ako. Lul. =))) Kbye.
Seryoso di na 'ko gwapo? :( HAHAHAHA. Jokbebs. Nako sana nga, teamwork ulit un. Haha! Lolsus, kaya mo yan. Pakapalan ng laman-loob! =))
ReplyDelete