Wanna find something? Type in.

Sunday, June 5, 2011

"When my hair bounces back, so do I."

Tss. Nung una pa nga mali yan eh. It's like, "when my hair bounces back, so do you".

Kingina.
Bounces back?
Bounces back?
Bounces back!? 

Okay lang kayo? Eh ilang linggo ko pa lang gamit yun eh kitang-kita ko na ang epekto sa buhok ko. Hindi siya tumatalbog! Kainis. Akala ko ganon lang talaga yung buhok ko. Akala ko normal lang na medyo dry siya kasi summer eh. Kaso isang araw, nung papunta akong uste para mag-enroll ulit nung May 31, 2011, napansin ng nanay ko na natutuyo daw buhok ko. Hindi ko na masyadong pinansin dahil medyo wala naman talaga akong pakialam.

Kaso napapansin ko, tuwing gumigising ako, may iba nga sa buhok ko.

Dati kahit ilang araw akong hindi magsuklay, maayos pa rin buhok ko, nasusuklay pa ng kamay.

Ngayon punyeta, tuwing paggising ko parang naging pugad ng ibon yung ulo ko. Bawat hibla e mararamdaman mong wala nang ganang mag-bounce back. Pag hinahawakan ko, pakiramdam ko walis tambo yung nasa ulo ko.

Dati wala akong problema dito sa buhok ko. Maikli o mahaba, okay lang. Pero ngayon maikli  na nga, para pang pinagsukluban ng langit at lupa.

Ah basta payong kaaway, gamitin niyo yun. Payong kaibigan, mag-Palmolive na lang kayo. Endorsement pala 'to. Penge TF.

No comments:

Post a Comment