Wanna find something? Type in.

Thursday, June 9, 2011

Nalaman ko na kahit gaano pa kasama ang araw mo, may dadating pa rin para ayusin 'to...

At kahit na parang wala ka nang mapapala sa isang malas na araw, kung gugustuhin mong may matutunan, may matututunan ka.

Naranasan mo na ba yung bibilhin mo na yung binalak mong bilhin isang taon nang nakalipas tapos pagpunta mo sa shop, out of stock na?

Simula nun, naka-simangot ka nang naglalakad sa mall at lahat ng titingin sa mata mo iirapan mo. Naranasan mo na ba yung pipila ka at habang naghihintay, sasabihan ka ng cashier na sa kabila ka na lang pumila dahil mukhang mas konti, pero pagpunta mo dun mas mahaba pala?

Eh yung pauwi ka na sa maulan na panahon at bigla mong maaalala na magdedeposit ka pala? Tapos dahil masaya ang buhay, malaman-laman mo na lang na closed na pala yung account mo. How sweet.

Meron pa, natikman mo na ba kung gaano kasarap yung feeling na nag-aabang ka na ng jeep pauwi at bigla kang sasabihan na walang dumadaang biyahe ng jeep dun na sasakyan mo at lumipat ka na lang sa kabila? Sa kabila na sobrang layo habang umuulan at naka-heels ka pa?

Eh swerte ka talaga, may FX pero pinagiisipan mo kung mag-e-FX ka. May jeep pero malayo. May jeep, pasakay ka na, tapos bigla kang aalisan.

Naranasan mo na ba yang lahat? Hay buhay. Ako oo, sa isang araw lang lahat yan.

Malas ang bansag ko sa araw na ito. Lahat ng binalak ko, palpak. Mood ko ay sing-bigat at dilim ng bumabagyong panahon sa labas. Pero habang sinusulit ko ang aking pagsakay at biyahe, napaisip akong muli... Okay lang malasin paminsan. Okay lang magkamali. Dahil bandang huli, alam ko naman sa sarili ko na may natututunan ako bawat araw. Kahit simple at mababaw lang na bagay, alam kong matututunan ko rin 'tong pakinabangan pagdating ng tamang panahon.


No comments:

Post a Comment