Ekspresyon ko na yun sa araw-araw kong buhay.
Sa klasrum pag ako lang makakarinig sa sarili ko:
Shit!
Sa klasrum pag may ibang makakarinig:
Shit...
Sa klasrum pag nagtatawanan mga kaibigan:
Hahaha! Ay sheeeet!
Sa bahay pag ako lang mag-isa:
Shit! Fuck. T*ngina.
Sa bahay pag nandito mga kapatid:
Shit! Fuck.
Sa bahay pag nandito si Mama:
Aysh-----
Ganyan na 'ko kadalas magmura. Hindi katulad noong highschool pa lamang ako, ang mura para sa'kin nun ay sobrang samang salita na hinding-hindi ko bibigkasin. Kakagatin ko dila ko para lang di makapagmura. Para ako nung si Carmen (blockmate namin na ubod ng hinhin at tahimik... minsan. haha). Kilos, galaw, pananalita... halos lahat. Ingat ang bawat galaw, bantay ang bawat salitang tatakas sa aking bibig, pili ang bawat titik na sasambitin ng aking dila.
Pero hindi na ngayon. Ang tingin ko sa pagmumura ay isang paraan para mailabas ang nilalaman ng aking damdamin. Nagsawa na 'ko dati na tahimik lang ako kahit gusto kong magmura. Natakot ako na baka pag hindi ko inilabas ang nararamdaman ko ay maipon ito at baka kung ano ang magawa ko. Kaya heto, nagmumura na 'ko.
Pero pinipigilan ko.
Sa pagsusulat pwede ko kayong tadtarin ng mura. Ngunit sa pananalita, alam ko pa rin na may limitasyon ang lahat ng bagay. Maaaring gamitin ang pagmumura upang maihatid ang iyong nararamdaman. Pero kung ito'y iyong gagamitin para makasakit ng kapwa, tangina mo. Lahat may pinagdadaanang hindi tanaw ng iyong kamanhiran kaya kung maaari ay ingatan natin ang pananalita natin sa ibang tao.
Si mama dati pag may nahulog:
Ay Jesus!
Si mama ngayon pag may nahulog:
Ay shit!
©R. Seryoso yan. Oh diba, b. i. ako kami.
grabe ka, riz! AHAHAHAHAHA!! >:p bi ka!
ReplyDeleteHindi lang ako! Haha!
ReplyDelete