Gwapo, matalino, mukha namang mabait pero hindi ko alam kung mayaman. Basta sigurado akong matalino't gwapo 'to. As in.
Nagulat ako nung isang araw na naisipan kong mag-accept ng mga matitinong mukha sa dating katambak kong friend requests sa Facebook. Inaccept ko 'tong isang taong 'to na biglang nag-message sa'kin. Nagtanong siya ng mga pinaka-weirdong tanong na naaalala ko. Sinabi na rin kasi niya na baka magpinsan kami pero hindi ako naniniwala nun kasi "Lee" yung apelyido at wala akong kilalang kamag-anak na ganon ang surname. Naiinis na rin ako nun kasi hindi porke gwapo siya e ieentertain ko na siya noh. Eto siya oh, di niya account 'to ah.
Pero ayun nagka-alamnan na, magpinsan nga kami. Putragis na buhay 'to, labimpitong taon na 'kong nabubuhay hindi ko pa rin kilala mga pinsan ko. Anak daw siya ng kapatid ng tatay ko. So fraternal first cousin ko pala 'to, hanep. Taga-Mapua at sa totoo lang wala akong pakialam...
Pero isang beses, nag-fb hopping ako at siya yung natiyempuhan. Nakita ko bigla mga account niya sa kung anu-anong social networking sites. Tumblr at Twitter yung naaalala ko. Kaya ngayon follower na niya 'ko sa Tumblr nang hindi niya alam. Pakiramdam ko Tumblr famous 'to eh, hayup pre.
Nakita ko posts niya, ang tino, pang-tao talaga. Samantalang yung sa'kin pang-lamanlupa. Parehas kami ng opinyon sa RH Bill pati sa K-12 plan ng DepEd. Eto nga yung huli niyang mga salita tungkol sa K-12:
Can a colonial curriculum like K-12 provide the needs of the Filipino youth and the society? Will it resolve the high rate of unemployment especially among the youth? Maybe we don't need quantity of years in education? We need quality education! Maybe we don't need more years in school? Maybe we need more schools! Unless the government addresses in high costs of schooling, poor public spending, lack of liability and trasparency during widespread corruption within the sector, neither 10 nor 12 years would make much of difference.
Putris, bawal palang icopy-paste, tinype ko pa tuloy. At in fairness, dinugo ako ah. Alam kong hindi ko kayang magbitiw ng mga ganyang salita eh. Pakshet. Magpupulitiko 'to.
Pinsan mo pala yun. Haha. Akala ko kung sinong engkanto lang e, pasensya. :)
ReplyDeleteTSSSSS. Yabangers. Ikaw na. =))
ReplyDelete