Ansarap pumetiks noh? Nag-ol ako dahil may babasahin ako. Tapos nag-post na 'ko. Tapos nag-itunes. Kumanta... natyempuhan yung "Look at Me Now" version ni Karmina. Ayan ang saya, kinakabisado ko siya. Ni-request kasi ng mga kaibigan ko, nagpauto naman ako. Palibhasa nahumaling sa Super Bass ko, sinamantala na. Walangya.
Anhirap nito, nakakadugo ng lungs at nakakabuhol ng dila. Sa bilis ng mga salita parang pwede nang ipangkarera sa mga kabayo.
Tapos naalala ko... quiz week pala. Shit. Nagbasa naman ako sa Economics, nagmistulang coloring book nga yung libro kong parang encyclopedia dun eh. Masaya kasi mag-highlight, try niyo rin. Dalawang kulay pa. Haha. Ansaya pramis. Kaso sa utak kong 'to hindi pwede ang isang basa lang. Hindi ko nga alam kung bakit napaka-ulyanin ko eh. Hindi ko naaalala yung lessons namin. Siguro ganon talaga pag nagaaral noh? Masarap kalimutan lahat ng nakaka-stress.
Sana sa pag-aaral, itetest lang lahat ng maaalala mo, okay na. Hindi yung pipiliting isuksok sa kokote kong sinliit ng nunal ko sa mukha lahat ng gusto nilang malaman ko. Hindi ko naman magagamit lahat ng yan sa buhay ko. Pag ba nakikipag-usap kelangan mo pang malaman ang Accounting Framework? Pag ba magpapatayo ng bahay, kelangan ko pang mag-illustrate ng graph at idiscuss sa architect ang opportunity cost ng pagpili ng saging kesa kamoteng nakakautot? Parang hindi naman...
Parang oo rin. (Shit balimbing pala.) Alam ko namang kelangan ng Pilipinas lahat ng lumalabas sa bibig ng mga professor namin eh, maski mga talsik na lumalaway noh? Wow ang corny, laslas na tayo. T______T
May nabasa ako sa internet noong bakasyon na para ma-motivate ka raw mag-aral, ilista mo lahat ng purposes ng pag-aaral mo sa isang malinis na papel para maaalala mo lagi kung bakit ka nga ba nag-aaral. Sinubukan ko naman baka sakaling makatulong. Epektibongbibo.
Alam niyo kung ano'ng una sa listahan ko? Bahay. Gusto ko kasing magpatayo ng bahay eh. Kasi mahirap yung magpa-upo. Nako delikado yun, gawaing adik. May nakita ako sa Tumblr na halu-halong designs ng bahay... nainggit ako. Tsaka ko na-realize na ang pinakagusto ko talagang mangyari sa buhay ay magpatayo ng bahay. Gusto ko yung kwarto ko nasa loob ng kabinet. Gusto ko may cupboard under the stairs kung saan pwede akong magbasa. Gusto ko may secret passages, may library, may underground pang-hideout para pwede akong suminghot ng katol dun. Meron ding entertainment room pero dapat walang mga GRO at macho dancer sa loob. Dapat may rooftop din, manonood ako ng stars. Wow, naglalaway na 'ko. Yuck joke. Tapos may collection room. Tangina pag yumaman ako, magpapatayo ako ng mga rebulto ng Harry Potter characters. *evil laugh*
Kumplikado yung gusto ko sa bahay. Kaya kapag hindi naging architect 'tong kapatid ko, maghahanap ako ng asawang architect. Dapat yung may mabangong apelyido. Gusto ko nang dispatyahin 'tong akin eh. Ambaho, sakit sa bangs. Pwede na yung Sy, Lopez, Araneta o kaya Ayala. Hindi kasi ako ambisyosa.
Wala, nag-share lang ako ng kalokohan sa buhay ko. Pampalipas oras niyo. Pang-aksaya ng mga nalalabing oras ko bago ang quiz week.
Osige na nga, lalayas na 'ko.
Mag-iimpake ng impormasyon.
Tatahakin ang impyernong buhay bukas.
Maglalayag sa mundo ng kawalan.
Adios.
Gusto ko rin ng magarang bahay! Yung tipong yung banyo kasinlaki ng isang kwarto :)) Tas may underground room kung san pwede pumunta pag may lindol o buhawi. Amp. Tas may movie room na may reclining chairs. Shet. Sarap mangarap! =))
ReplyDeleteMovie room! Shet shet shet. Magiging tambayan ko yun, taga mo sa bato Bebs. Hahaha! Ehem ehem. *nananaginip ng gising, nakatulala sa hangin* =))
ReplyDelete